Isang babae na may-ari ng pharmacy ang nanalo ng P30 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Agosto 3.
Ang nanalo ay 58-taong gulang, may-asawa at apat na anak. Siya ay mayroong maliit na drug store sa Bataan kung saan sila nakatira.
Ang tinamaan niyang numerong 7-10-14-19-25-30 ay bigay sa kanya ng kanyang pinakamatandang anak na babae. May 12 taon na umano siyang tumataya sa lotto.
Nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng manalo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Plano niyang palawigin ang kanyang negosyo at itabi ang bahagi ng premyo para sa kanyang mga anak.
MOST READ
LATEST STORIES