Alden Richards hot na hot; pwede nang isabong kina Daniel at James

alden richards

ALDEN Richards is going to record an album for GMA Records.

Yes, Virginia, magiging singer na ang sikat na sikat ngayon na ka-love team ni Yaya Dub (Maine Mendoza). When this surfaced, akala namin ay magiging ballistic ang reaction ng mga tao.

Fresh pa rin kasi ang issue sa mga non-singers na nagpupumilit gumawa ng album kahit hindi naman sila kahusayang kumanta.

But we were wrong. No one bashed the actor for having the guts to record an album. No one posted nasty comments just because he will now sing. No one seems interested in bullying him.

That’s nice. The reactions of the people were positive.  “Strike while the iron is hot!” “Tama yan GMA samantalahin na habang mainit pa. medyo natututo na ah.”

“Alden is everywhere! Well, thank God! Deserve nya yan and I won’t complain kung palagi ko syang makikita! Ultimate Bae indeed! Hayy, Alden ang gwapo-gwapo mo! Can’t help it, Aldub you na talaga!”
“Congratz Alden! Sana Irecord mo yung, God Gave Me You…Si Alden kayang kumanta ng live.

Nasayo na ang lahat ng talent, singing, dancing (kaya din nya) magaling din sa acting. Ikaw na!”
“Malaking tulong talaga ang eat bulaga sa gma.

Matagal ko nang crush tong si alden. Remember ka love team pa nya dati si louise tapos siya leading man ni marian sa carmela. Ngayon na lang siya napapansin. Salamat eat bulaga.”

With these very encouraging comments, si Alden na nga ang bagong heartthrob na minahal at patuloy na minamahal sa showbiz ngayon.

Walang mai- pipintas sa kanya dahil mabait naman siya in person kaya naman inuulan siya ng suwerte ngayon. Actually, magiging maganda ang laban ngayon dahil si Alden ay magiging singer na rin.

Kung ang Star Records ay may Teen King sa katauhan ni Daniel Padilla at may James Reid naman ang Viva Records, may Alden Richards naman ngayon ang GMA Records na hot na hot ngayon.

Magandang labanan ‘yan, ‘di ba? Now, we can say na meron na talagang tunay na matinee idol ang GMA.

Read more...