'Hindi pa siguro ngayon ang takdang oras para maging mommy si Mariel!' | Bandera

‘Hindi pa siguro ngayon ang takdang oras para maging mommy si Mariel!’

Cristy Fermin - August 15, 2015 - 02:00 AM

mariel rodriguez

Hindi pa ngayon ang takdang panahon para sa pagkakaroon ng anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Ilang buwan pa lang ang nakararaan ay nakunan ang TV host, dinamdam ng mag-asawa ang pagkawala ng kanilang anak, hanggang sa mapalitan ‘yun ng kaligayahan dahil triplets ang muling i- pinagdalantao ni Mariel.

Pero nu’ng Miyerkules nang gabi ay mas matinding kalungkutan ang bumalot sa mag-asawa, ang triplets na ipinagdadalantao ni Mariel ay nawala rin, kaya kinailangan nitong dumaan uli sa proseso ng paglilinis ng kanyang bahay-bata.

Napakatinding lungkot ang dala ng pangyayari para sa mag-asawang matagal nang nagdarasal para sila magkaroon ng anak. Maselan magdalantao si Mariel, ‘yun ang dahilan kung bakit napilitan si Robin na umurong sa isang proyektong pagtatambalan sana nila ng Japanese porn star na si Maria Ozawa, palaging nakabantay ang action star sa kanyang misis na pinayuhan ng complete bed rest ng kanyang mga doktor.

Bata pa naman sina Robin at Mariel, hindi pa ito ang katapusan ng pangarap na magkaroon sila ng supling, lahat ay magaganap sa takdang panahon.

Nakakalungkot talaga ang senaryo dahil matagal nang pangarap ng mag-asawa ang pagkakaroon ng anak. Tuwang-tuwa pang ipino-post ni Robin ang kanilang triplets, pero talagang ganu’n, hindi pa ito ang hinog na panahon para matawag nang daddy at mommy sina Robin at Mariel.

Hanggang sa muli nilang pagtatangka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending