Bakit nga ba wala pa ring dyowa si Willie Revillame?

By Jun Nardo August 11,2018
share this

Bakit nga ba wala pa ring dyowa si Willie Revillame?

By Jun Nardo August 11,2018
share this

WILLIE REVILLAME

Nag-explain si Willie Revillame tungkol sa pagdalaw niya sa bahay ni Kris Aquino ilang linggo na ang nakararaan. Ito’y sa gitna na ring ng panunukso sa kanila ni Kris dahil pareho nga silang single ngayon.

“Wala naman daw malisya ang pagpunta niya roon, gusto lang daw talaga niyang pasayahin ang panganay na anak ni Kris na si Joshua matapos itong magkasakit at ma-confine.

Ani Willie sa panayam ng GMA, “Ang sabi ko sa staff ko, ‘Check, tawagan mo nga si Ms. Kris Aquino at si Tita Cristy (Fermin) kung nasaan si Josh. Ano lang ‘yun eh, walang plano ‘yun eh.

“Tapos nakausap niya si Kris Aquino, and then ang sabi ni Kris, ang wish ni Josh makasakay ng sports car na ako ang nagda-drive.

“So pinakuha ko ‘yung sasakyan. Pagpunta namin doon, ayun sinorpresa ko si Josh. ‘Yun lang talaga ang istorya noon.

“Hindi naman ako sanay sa social media, wala naman akong Facebook or Instagram ‘no. Ano lang ako eh, Wowowin lang ang buhay ko, bahay, ‘yun lang eh. Kaya nga wala akong girlfriend,” sey pa ni Willie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending