'Movie project nina Mocha at Cesar walang bahid ng korapsyon' | Bandera

‘Movie project nina Mocha at Cesar walang bahid ng korapsyon’

Ambet Nabus |July 31,2018
facebook
share this

‘Movie project nina Mocha at Cesar walang bahid ng korapsyon’

Ambet Nabus - July 31, 2018 - 12:30 AM

TINAWAGAN kami ng isang taong malapit kay Loisa Andalio para ipagtanggol ang dalaga sa kumalat na tsismis na ito ang nagloko kaya naghiwalay na raw sila ni Ronnie Alonte.

Sey ng aming kausap, “Unfair for Loisa. She’s a lady and she doesn’t deserve those lies na kesyo sumama siya sa ibang lalaki para makipag-night out.”

Gulat man kami sa naturang rebelasyon, pinaninindigan ng aming kausap na walang ganu’ng pangyayari at never nakipag-date sa ibang lalaki si Loisa.

“Group of friends kami. Halo-halo. Lalaki, babae, bata, matanda, bading, tibo, professional, tita and tito. Walang ganu’n. Ang pangit kasing pakinggan ng kasinungalingan,” sey pa ng kausap namin.

Sa pagkakaalam daw ng aming kausap simpleng selosan at tampuhan lang na pinalaki ng ilan ang pinagmulan ng tsismis between Loisa and Ronnie.

As we write this, may open communication pa naman daw ang dalawa at sa katunayan ay nagkita ang mga ito last July 28, sa party ng isa nilang friend.

“Nagbatian sila at nagkumustahan. Basta kaming lahat sa grupo, pag trabaho, trabaho. Siguro yun ang safe na masasabi ko, pero yung pangit na tsismis na nanganak ng kung anu-ano, foul naman po yun,” muling paglilinaw ng aming kausap.

q q q

O hayan ha, nilinaw na rin ni Mocha Uson na walang government money na gagamitin sa pagsasapelikula ng isang advocacy film na ididirek ni Cesar Montano. Ito’y pagbibidahan ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Papel ng isang reporter ang role na gagampanan ni Mocha sa movie. Sinabi nitong maayos ang kanyang shooting iskdeyul at wala siyang office hours sa pagsisilbi sa gobyerno na masasagasaan o magagamit sa pagsu-shoot ng movie.

Ipinagmalaki pa niyang “for the love” o libre lang ang kanyang exposure dahil naniniwala siya sa adbokasiya ng pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Mocha, balita naming kasali rin sa movie si Jean Garcia.

Tiyak na pagmumulan na naman ng maraming kontrobersya ang pelikulang ito with Mocha and Cesar around.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending