Kris mas pinili si Alden kesa kay Joshua: Sorry, tropang JoshLia!

June 20,2018
share this

Kris mas pinili si Alden kesa kay Joshua: Sorry, tropang JoshLia!

June 20,2018
share this

SIGURADONG mas mamahalin ng fans ni Alden Richards si Kris Aquino matapos itong magpakatotoo sa presscon ng pelikulang “I Love You, Hater” kamakalawa ng gabi.

Tinanong kasi si Kris kung mai-in love rin ba siya sa co-star niyang sa movie na si Joshua Garcia tulad ni Julia Barretto kung kasin-kaedad niya ngayon ang dalaga.

Bago niya sagutin ang tanong, nag-sorry muna siya kay Joshua at sa ABS-CBN, aniya huwag daw sanang magalit sa kanya ang mga ito dahil nais lang niyang maging totoo sa kanyang sagot.

“Kung ka-age lang ako ni Julia, si Alden (Richards) ang pipiliin ko. Sorry, I apologize. No offense to everybody here, tropang JoshLia, ABS-CBN don’t hate me, pero kasi ang kay Julia ay kay Julia na, so si Alden libre pa.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending