Carol Banawa summa cum laude sa US

May 14,2018
share this

Carol Banawa summa cum laude sa US

May 14,2018
share this

 

MARAMING netizens ang na-inspire sa naging buhay ng singer-actress na si Carol Banawa sa Amerika.

Naging maganda pa rin kasi ang kapalaran para sa kanya matapos na iwan ang showbiz 15 taon na ang nakararaan.

Sa latest Instagram post ni Carol, ibinandera niya ang bagong achievement sa US. Nagtapos lang naman siya bilang summa cum laude sa isang nursing school sa Amerika.

Sa kanyang IG post makikita ang litrato ng kanyang graduation cap na may caption na, “#graduationcap. Thanks to my Ate Cherry’s creativity. Ready for the march on Saturday.”

Ibig sabihin, isa na ngayong licensed practical nurse after finishing her associates degree in nursing.

Umalis ng Pilipinas si Carol para ipagamot ang may sakit niyang ama sa US at nang magtagal ay nagtrabaho na roon bilang nurse at doon na rin nakapag-asawa.

Huling napanood ang singer-actress sa Kapamilya series na Bituin noong 2002 kung saan nakasama niya si Nora Aunor. Siya rin ang nagpasikat sa mga kantang “Iingatan Ka” at “Tanging Yaman.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending