Ruru Madrid na-shock sa biglaang pagpanaw ni Maryo J. delos Reyes: Napakasakit, mahal na mahal kita! | Bandera

Ruru Madrid na-shock sa biglaang pagpanaw ni Maryo J. delos Reyes: Napakasakit, mahal na mahal kita!

Ervin Santiago |January 30,2018
facebook
share this

Ruru Madrid na-shock sa biglaang pagpanaw ni Maryo J. delos Reyes: Napakasakit, mahal na mahal kita!

Ervin Santiago - January 30, 2018 - 12:10 AM


BAGSAK na bagsak ngayon ang pakiramdam ng Kapuso hunk na si Ruru Madrid dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang manager na si Maryo J. delos Reyes.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang aktor na patay na ang itinuturing niyang mentor sa showbiz, wala naman daw kasing karamdaman ang award-winning director kaya nakakabigla ang mga pangyayari.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ruru ng litrato nila ni Direk Maryo na may mahabang caption.

“Hindi ko alam kung ano ang gagawin at mararamdaman ko ngayon pero gusto ko lang yakapin ka Direk Maryo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa kung nasaan ako ngayon kung anong meron ako ngayon ikaw ang dahilan nun.

“Napakaswerte ko dahil nakilala kita ikaw ang naging mentor ko hindi lamang sa industriyang ito kundi pati na rin sa buhay ko.

“Alam ko na hindi ko madalas nasasabi sayo ang salitang mahal kita, alam ko na hindi ko lagi napaparamdam sayo kung gaano kita kamahal pero mahal na mahal po kita napakalaking tulong ang binigay mo sa akin hindi lang sa akin ganu’n na rin po sa aking pamilya.

“Kahapon nung papunta ako sa ilo-ilo napaka laki ng airport pero nagkita pa tayo at niyakap mo ako ng mahigpit kung alam ko lang na yun na ang huling yakap mo sakin sana mas tinagalan at mas hinigpitan ko pa po…Ikaw ang unang naniwala sa aking talento hindi mo ko pinabayaan sa lahat ng bagay.

“Kaya maraming maraming salamat po sa inyo Direk ikaw ang matuturing kong pangalawang ama kaya napakasakit talaga na maiwan mo bilang anak. Pero iniisip ko nalang na baka pagod ka na at sobra sobra na po ang naitulong mo sa maraming tao. Mahal na mahal po kita sobra sobra.. RIP DIREK MARYO J DELOS REYES!”

q q q

Sa huling panayam namin kay direk Maryo, talagang ipinagmamalaki niya ang mga achievements ni Ruru bilang aktor na nagsimula nga sa reality talent search ng GMA na Protege.

Sayang nga lang at hindi na nito mapapanood ang launching TV series ni Ruru sa GMA Telebabad, ang Sherlock Jr na nagsimula na kagabi. Siguradong isa rin ito sa ikinalungkot ni Ruru dahil wala na ang number one supporter at critic niya pagdating sa pag-arte.

Inialay din ng binata kay direk Maryo ang nasabing teleserye at nangakong mas lalo niyang pagbubutihan ang kanyang trabaho para kahit nasa kabilang buhay na ang magaling na direktor ay magiging proud pa rin ito sa kanya.

Samantala, talagang inabangan ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng Sherlock Jr kagabi. Agad itong nag-trending sa social media dahil na rin sa suporta ng fans ni Ruru at ng tagahanga ng mga leading lady niya sa serye na sina Gabbi Garcia at Janine Gutierrez.

Sure na sure kaming matutuwa rin ang mga pet lovers sa bagong serye ng GMA dahil sa pag-eksena ng dog wonder na si Serena na siyang makaka-partner ni Ruru sa pag-solve ng mystery cases sa kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy na tutukan ang Sherlock Jr sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending