Female star tinawag na ‘matingger-z’, kilabot na magnanakaw sa showbiz

By Cristy Fermin January 13,2018
share this

Female star tinawag na ‘matingger-z’, kilabot na magnanakaw sa showbiz

By Cristy Fermin January 13,2018
share this


HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nabubura ang imahe ng isang magandang female personality, isang tatak na hindi kagandahan, kung tawagin siya ng kanyang mga dating katrabaho ay Matingger-Z.

May kalikutan kasi ang kanyang mga kamay, sa sobrang kalikutan ay umaabot ‘yun sa mga kagamitan ng kanyang mga kasamahan sa trabaho, kaya niya namang bumili dahil malaki na ang kanyang kinikita pero mas gusto niyang ginegetlak ang pag-aari ng iba.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Kaganda-ganda, tapos, gumagapang ang mga kamay niya! Ilang beses na siyang nadyu-Julie Andrews ng mga katrabaho niya, nakakamayan talaga siya, sayang na beauty!” simulang komento ng isang source na may alam tungkol sa kanyang pagiging Matingger-Z.

Nu’ng minsang interbyuhin siya ng isang becking TV host ay windang na windang ang backlush dahil aapat lang naman sila sa kuwarto, siya, ang becki at ang dalawang cameraman pero nawala ang mamahaling cellphone ng becki.

“Ay, hindi naman siya umobra sa becki! Nagwala talaga siya, nagsisigaw, hindi kuno siya aalis sa venue hanggang hindi nakikita ang cellphone niya!

“Naka-silent mode ang phone dahil may interview nga siya, kaya tinatawagan man ng mga kasama niya ang number ng becki, e, wala silang ring na naririnig.

“Nasyokot ang girl, wala siyang choice kundi ilabas ang mamahaling cellphone, kiyemeng nahulog ‘yun sa ilalim ng table. Echos lang niya ‘yun, dahil kung hindi nagwala ang becki, e, siguradong nagetlak na niya ‘yun!” anekdota pa ng impormante.

Hanggang ngayon, kapag nakakasama siya sa malalayong shows ng kanyang mga co-stars, ay halatado ang pag-iwas ng mga ito sa kanya. Sariwa pa rin ang mga kuwento kung gaano kabilis ang mga kamay niya.

“Hindi na mawawala ‘yun, mahihirapan na siyang makaahon sa hindi kagandahang image na ‘yun, dahil ang dami-daming kuwento tungkol sa pagiging mabilis ng mga kamay niya.

“At hindi siya umaamin, siyempre, kahit pa sigurado nang siya ang suspek. Bali-baliin mo man ang mga braso niya, e, hindi siya aamin, promise!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na ba kung sino siya? Pinasasaya niya kayo, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending