Barangay Ginebra reresbakan ang TNT KaTropa | Bandera

Barangay Ginebra reresbakan ang TNT KaTropa

Angelito Oredo |June 13,2017
facebook
share this

Barangay Ginebra reresbakan ang TNT KaTropa

Angelito Oredo - June 13, 2017 - 12:09 AM

Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. Barangay Ginebra vs TNT KaTropa

PILIT na iiwas na mahulog sa 0-2 paghahabol ang Barangay Ginebra ngayong gabi sa pagsagupa nito sa tila nag-aapoy na TNT KaTropa sa kanilang best-of-five semifinals showdown ng 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ganap na alas-7 ng gabi mag-uumpisa ang laro at puntirya ng Gin Kings na maitabla ang  serye sa tig-isang panalo.

Naputol ng TNT ang limang sunod na pagwawagi ng Barangay Ginebra mula pa sa eliminasyon at quarterfinals nang manalo ang  Tropang Texters sa Game One, 100-94.

Pinagtulungan nina import Joshua Smith, rookie Roger Pogoy at Ranidel de Ocampo sa pagtala ng kabuuang 64 puntos ang pagbitbit sa Tropang Texters kontra sa mas pinapaborang Gin Kings.

Nagtala ang 25-anyos at 6-foot-10 na si Smith ng 35 puntos, 13 rebounds at 4 assists habang nag-ambag ng 17 puntos si Pogoy bilang tanging starter na umabot sa double digit scoring.

Nagdagdag si De Ocampo ng 13 puntos para sa back-to-back na panalo ng koponan matapos patalsikin ang Meralco Bolts sa knockout quarterfinals game noong Biyernes ng gabi.

Nagawang dominahin ng Tropang Texters ang laban kung saan itinala nito sa ikatlong yugto ang 15-puntos na abante mula sa jumpshot ni Pogoy, 64-49, may 6:34 ang nalalabi sa yugto.

Nagawa naman dumikit hanggang sa dalawang puntos ng Gin Kings sa natitirang 2:46 ng ikaapat na yugto, 90-92, subalit muling umatake ang Tropang Texters upang iuwi ang panalo.

Samantala, natakasan ng San Miguel Beermen ang Star Hotshots, 77-76, para itabla sa tig-isang panalo ang kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals series Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinangunahan ni Charles Rhodes ang Beermen sa kinamadang 21 puntos at 10 rebounds.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending