Vice Ganda kinilig sa b-day greeting ng Korean actor sa ‘Love In The Moonlight’ | Bandera

Vice Ganda kinilig sa b-day greeting ng Korean actor sa ‘Love In The Moonlight’

Ervin Santiago |March 28,2017
facebook
share this

Vice Ganda kinilig sa b-day greeting ng Korean actor sa ‘Love In The Moonlight’

Ervin Santiago - March 28, 2017 - 12:15 AM

VICE GANDA AT JINYOUNG

VICE GANDA AT JINYOUNG

HALATANG naimbiyerna rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga malilisyosong netizens na nam-bash sa kumalat na “kissing video” ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual.

“Anong mali? Wala kasi akong nakitang mali du’n,” ang pahayag ng TV host-comedian sa episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday tungkol sa paghalik ni Inigo sa lips ni Piolo.

Hirit pa ni Vice, “Di ba ‘yung aso natin hinahalikan natin? Kung kaya natin at walang masama sa atin na humahalik tayo sa hayop, bakit may malisya pag humalik sa anak? I just don’t get the point.”

Dagdag pa nito, “Kung ikaw ayaw mo humalik sa tatay mo, eh ‘di ikaw ‘yun.”

Special guest si Piolo sa birthday episode ni Vice sa nasabing programa kung saan ipinalabas din ang video clip na kuha sa loob mismo ng sasakyan ng komedyante. Nagpanggap kasi si Papa P na driver ni Vice.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Vice nang ipalabas ang video greeting ng isa sa bida ng Korean series na Love In The Moonlight bilang bahagi pa rin ng kanyang birthday celebration.

Aminado si Vice na isa rin siya sa mga nababaliw sa nasabing Korenovela na napapanood ngayon sa ABS-CBN. Kaya naman nagulat ang gay comedian at kinilig nang batiin siya ng Korean singer-actor na si Jinyoung na gumaganap bilang Kim Yoon-sung sa serye.

Pagkatapos siyang batiin nito ay nag-dialogue pa ang Korean actor na sana’y makapag-guest din siya sa Gandang Gabi Vice. Si Sandara Park ang kumuha ng video bilang regalo raw niya kay Vice.

Sey ni Sandara, “Hindi ko alam kung anong birthday gift ko sa’yo kasi nasa ‘yo na ang lahat.”

Si Jinyoung ay member din ng Korean boy group na B1A4. Type na type rin daw ni Vice ang bida ng Love In The Moonlight na si Park Bo-gum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, kahit naman sinong K-Pop fan ay kikiligin pag binati ka ng mga hinahangaan mong Korean stars.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending