Mocha Uson nanggulo lang sa MTRCB | Bandera

Mocha Uson nanggulo lang sa MTRCB

Cristy Fermin - March 05, 2017 - 12:50 AM

MOCHA USON

MOCHA USON

TOTOO ang obserbasyon ng mas nakararami na walang magandang kontribusyon ang pagpasok sa MTRCB ni Mocha Uson bilang board member. Sa unang sultada pa lang ay kaguluhan na ang bitbit niya sa ahensiyang pinaglugaran sa kanya ni Pangulong Digong.

Ang dating maayos na opisina ay binulabog ni Mocha, kung anu-anong reklamo ang pinalulutang niya, para bang hulog siya ng langit sa MTRCB para plantsahin ang lahat ng napapansin niyang alituntunin na dapat baguhin.

Sa halip na makisama-makibagay muna sa dinatnan niyang mga opisyales ng ahensiya ay umariba agad ang kanyang personal na interes, gusto niyang siya ang masunod, kailangang makiayon sa kanya ang mga datihan nang board members sa kahit anong kapritso niya.

Sana’y ang pagiging chairman na lang ng MTRCB ang iniungot niya sa pangulo, mas magandang pakinggan ang kanyang mga pinagsasasabi, kaso ay tatlumpong board members meron ang ahensiya at isa lang siya sa maraming ‘yun.

Maingay siya sa social media, marami siyang ikinukudang kung anu-ano, pero sa paminsan-minsan lang naman pala niyang pagdalo sa mga meeting ng MTRCB ay para siyang dalagang Pilipinang nakaupo lang sa isang sulok at hindi kumikibo.

Hindi siya nakikipaglaban, hindi siya nakikipag-argumento tungkol sa gusto niyang mangyari, pero nakakailang hakbang pa lang siya palayo sa MTRCB ay nagbabalangkas na siya ng kung anu-anong reklamo tungkol sa pamamalakad ng ahensiya.

Ginugulo niya ang opisina, siya ang naglalantad-nagsusumbong sa publiko ng diumano’y napapansin niyang hindi tamang gawain ng mga miyembro.

Di ba naman sa talikuran lang magaling kumuda si Mocha Uson pero sa harap-harapan ay bahag naman ang buntot niya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending