Kilalang loveteam sa showbiz napasama sa Duterte drug list | Bandera

Kilalang loveteam sa showbiz napasama sa Duterte drug list

Julie Bonifacio |November 09,2016
facebook
share this

Kilalang loveteam sa showbiz napasama sa Duterte drug list

Julie Bonifacio - November 09, 2016 - 12:35 AM

rodrigo duterte

TAHASANG sinabi ng TV5 host na si Erwin Tulfo ang tungkol sa napipintong paglipat ng Queen of All Media sa Kapatid network. Ayon sa source ni Erwin na isang top brass sa Singko, nakikipag-meeting na raw si Kris Aquino sa ilang ehekutibo ng istasyon.

Nakausap namin si Erwin sa thanksgiving party niya for the members ng Philippine Movie Press Club kahapon at doon nabanggit niya ang first ever interview ni Kris kay President Rodrigo Duterte.

Sabi pa ni Erwin, isang talk show daw ang gagawin ni Kris sa TV5 right after ng interview niya kay Duterte. Once raw na mapanood na si Kris sa TV5, ano pa raw ba ang ibig sabihin noon?

Kung magkakaroon ng talk show si Kris sa TV5, pinapapili naman si Erwin ng bagong executive in-charge sa TV5 at dating coach sa PBA na si Chot Reyes sa mga programang nais niyang gawin sa istasyon.

It’s up to Erwin if he wants to produce his own show as blocktimer o ‘di kaya ay maging talent na lamang sa programa ng istasyon. And if ever maging guest daw niya si Kris sa kanyang programa, itatanong daw niya sa TV host-actress kung bakit nananahimik ang kanyang kapatid na si dating Presidente Noynoy Aquino.

Bukod kay Kris, napag-usapan din ang kontrobersyal na anti-drug campaign ng administrasyon specifically laban sa mga artista. Personal na nakita ni Erwin ang diumano’y listahan ng pangalan ng mga artistang sangkot sa droga.

Brace yourself dahil diretsahang sinabi ni Erwin na nakita niya ang pangalan ng isa sa mga sikat na loveteams ngayon. Siyempre, kapag sikat na loveteam ang pinag-usapan hindi mawawala riyan ang AlDub, JaDine, LizQuen at KathNiel.

Kaya lang noong may magbanggit ng AlDub among the PMPC members, mariing umiling si Erwin. Meaning, wala ang pangalan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa drug list.

Ang tsika pa niya, pati raw ang kapartner nu’ng talagang user ng drugs ay naimpluwensyahan na rin niya na gumamit ng droga. Gets nyo sino sila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending