coco martin

Yassi dinenay na nililigawan ni Coco; umaming fan ni Maine

MARIING pinabulaanan ni Yassi Pressman na nililigawan siya ni Coco Martin at meron na raw silang mutual understanding. Ang paniwala kasi ng fans, lalo na ng avid viewers ng seryeng Ang Probinsyano ay may namamagitan na talaga sa kanila sa totoong buhay. Parang totohanan na raw kasi ang pagmamahalan nila bilang sina Cardo at Alyana […]

Coco tinupad din ang wish ni Mystica, pati asawa binigyan ng trabaho

MULI, pinatunayan ni Coco Martin ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa mga kapwa-artistang nangangailangan ng tulong. Pagkatapos kunin ang child star na si Rhed Bustamante para mag-guest sa Probinsyano tinupad din niya ang wish ni Mystica. Kinumpirma ng tinagurian noong “Split Queen” na nakausap na niya si Coco para sa pagbabalik niya sa akting. Sa […]

Coco tinupad na ang hiling ni Rhed Bustamante

KINONTAK na ni Coco Martin si Rhed Bustamante matapos mapanood ang panawagan ng child actress. “Tinawagan ko na siya,” Coco quipped in one recent TV interview. “Ako kasi naniniwala ako sa oportunidad, eh. Lalung-lalo na ‘yung bata napaka-talented,” dagdag pa ng actor. Marami ang nadurog ang puso when Rhed was interviewed recently kung saan sinabi […]

Maine payag mag-guest sa Probinsyano; Coco pwede ring sumugod sa Eat Bulaga

WILLING si Maine Mendoza na mag-guest sa top-rating teleserye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano. Magkasama ang dalawa sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Jak Em Popoy: The Pulis Credibles” na tinatampukan din ni Vic Sotto. “Oo naman. Wow, oo naman. Tingnan natin,” say ni Maine sa tanong kung payag siyang umapir […]

Jolo nagulat nang malamang papatayin na siya sa ‘Probinsyano’

PATAY na ang character na ginagampanan ni Vice-Governor Jolo Revilla sa Ang Probinsyano. Siya ang close aide ng gumaganap na pangulong si Rowell Santiago. Nu’ng nakaraang Biyernes pinatay ang maigsi lang pero markadong papel na ginampanan ng aktor-pulitiko. Sa sobrang proteksiyon na ibinibigay niya sa pamilya ng pinaglilingkuran niyang presidente ay ibinuwis niya ang kanyang […]

Nagpakilig: Coco dinumog, pinagkaguluhan sa Bulacan

PINAGKAGULUHAN at dinumog si Coco Martin sa Malolos, Bulacan for the Kapamilya Karavan. This is in celebration of FPJ’s Ang Probinsyano na magdiriwang ng ikatlong taon sa ere this month. Kitang-kita sa mga photos at videos sa Facebook na kinilig ang mga kababaihan nang kumanta na si Coco. Halos mabingi ang mga tao sa hiyawan […]

Coco wala pang desisyon kung kukunin si Mystica sa Probinsyano

Sa takbo ng kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano ay tila nabibilang na ang araw ni Rowell Santiago sa karakter niya bilang si Oscar Hidalgo, ang Presidente ng Pilipinas. Pinagpaplanuhan na kasi siyang patayin ni Edu Manzano, ang bise presidente niyang si Lucas Cabrera, dahil hindi nito pinagbigyan na mabigyan ng presidential pardon ang anak nitong […]

Tutok pa rin ang mga Pinoy sa mga pasabog ng Probinsyano

PAANO pa nga bibitiw sa Ang Probinsyano ang mga kababayan natin kapag ganito nang ganito ang matutunghayan sa bawat episode ng serye? Puro bakbakan na pangpelikula na ang kanilang ihinahandog sa manonood, matitinding aksiyon na ang nag-uupakan ay mga sikat na personalidad, talagang gustong paluhurin ng serye ang Victor Magtanggol. Nu’ng Sabado nang gabi ay […]

What's trending