NAGPASALAMAT ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa kanilang supporters sa pagdiriwang nila ng kanilang 4th wedding anniversary. Inamin ng celebrity couple na ang mga fans pa ang nagpaalala sa kanilang mag-asawa tungkol sa ikaapat nilang anibersaryo nitong nagdaang July 26. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga pagbati ng fans […]
LABIS ang hinagpis ni Glaiza De Castro sa pagpanaw ng kanyang ama na si Alfred “Boy” Galura. Sa kanyang Instagram post, nagbigay-pugay ang Kapuso actress sa kanyang mahal na ama, kalakip ang ilang alaala nilang magkasama, mula sa family vacation abroad hanggang sa kasal niya. Hindi binanggit ni Glaiza ang eksaktong petsa at sanhi ng […]
HINDI dadallo si Sen. Robin Padilla sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong araw, July 28, 2025. Ito’y bilang pakikisimpatya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na inaresto ng gobyerno sa bisa ng arrent warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa […]
WALANG nangahas na kalabanin si Leyte 1st District Representative Martin Romualdez sa posisyon na House Speaker sa pagbubukas ng 20th Congress sa Kamara. Naging pormal ang pananatili sa pwesto ni Romualdez matapos umani ng 269 votes mula sa kapwa-mambabatas sa unang sesyon ng Kamara. May 314 na mambabatas ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Baka […]
LUMABAS na ng plenaryo ng Kamara si Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte at tatlo pang mambabatas mula sa Davao matapos ang pagbubukas ng 20th Congress. Kasama ni Duterte na nag-walk out sina Davao City 2nd District Rep. Omar Duterte, PPP Party-list Rep. Harold Duterte, at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab. […]
NAGLABAS ng thunderstorm warning ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, July 28. Ito ay kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. Ayon sa abiso ng weather bureau, asahan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na hangin sa Metro Manila, […]
PINABULAANAN ng Department of Education (DepEd) ang isang AI-generated video na kumakalat sa Facebook na nagsasabing suspendido ang mga klase ngayong Lunes, July 28. Sa isang Facebook post, ibinandera ng DepEd ang screenshot ng AI-generated ng babaeng newscaster na nag-aanunsyo umano ng kanselasyon ng klase, kalakip ang background na may nakasulat na “SONA Walang Pasok […]
BINAHA ang ilang kalsada sa Metro Manila nitong Lunes, July 28, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos. Ito ay dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng habagat, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). As of 8:30 ng umaga, narito ang listahan ng mga kalsadang binaha: Malabon […]
PAMUNUNUAN ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang Senado para sa 20th Congress. Nakuha ni Escudero ang boto ng 18 kapwa senador, bukod sa kanyang pagboto sa sarili, upang manatiling Senate president. Ibinoto naman si Sen. Vicente “Tito” Sotto III ng apat na kapwa senador – Sens. Panfilo “Ping” Lacson, Loren Legarda, Risa Hontiveros at Juan […]