NADISKUBRE ang bangkay ng isang 18-anyos na babae sa isang creek sa Old Bulatukan, Makilala, Cotabato kahapon, June 11. Batay sa ulat ng pulisya, posibleng dinukot ang biktima at ginahasa ng suspek o mga suspek na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan. Nabatid na wala na umanong damit ang biktima nang matagapuan ang kanyang bangkay. Nagtamo […]
NAKIISA si Vice President Sara Duterte sa pagbati sa ika-127 anibersaryo ng pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan. Sa isang video na ibinahagi sa kanyang Facebook page, binati niya ang mga Pilipino at binalikan kung paano nakamit ang ating kasarinlan. “Mga kababayan, ang tinatamasa nating kalayaan ngayon ay bunga ng tunay at wagas na pagmamahal ng […]
LABIS na ikinadismaya nina Sen. JV Ejercito at Sen. Juan Miguel Zubiri ang pagbawi ng Kamara sa suporta sa panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers. Inamin ni Ejercito na magiging ganap na batas ang Senate Bill No. 2838 kayat nagulat siya ng bawiin ng Kamara ang suporta sa panukalang-batas sa huling linggo ng 19th […]
NAKATAKDANG ilipat sa Special Intensive Care Area (SICA) sa Taguig City mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City si dating Negros Oriental Representative Arnolfo A. Teves, Jr.. Ayon kay National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang hakbang ay base sa inilabas na commitment orders ng dalawang korte sa Maynila. Nahaharap sa mga […]
MAHIGIT P70 million ang kinubra ng nag-iisang nanalo sa Mega Lotto 6/45 jackpot mula sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ang lone bettor na naka-jackpot sa lotto ay nagmula sa Laguna. Napanalunan niya ang mahigit P70 milyon noong May 21, 2025 draw. Nahulaan niya ang winning numbers na 10-18-19-23-25-28. Siya ang personal na […]
IGINIIT ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaaring idulog sa Korte Suprema ang mga argumento ng mga kontra sa pagbabalik sa Kamara ng Articles of Impeachment na inihain laban kay Vice President Sara Duterte. Kasunod ito ng pagbatikos ng ilang kongresista sa Senado base sa paniniwalang paglabag sa Saligang Batas ang ginawang hakbang ng […]
SA paggunita ng bansa sa ika-127 Araw ng Kalayaan, pinagbilinan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng Filipino na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kalayaan. Sa kanyang mensahe, sinabi ni PBBM na magagawa ito sa pamamagitan ng tunay na pagmamahal at pagbibigay serbisyo sa bansa, gayundin sa pagpapabuti sa lahat ng ginagawa. […]
NAGPALITAN na ng “I do” ang professional basketball player na si Kiefer Ravena at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Diana Mackey. Naganap ang wedding ng celebrity couple kahapon, June 11, sa St. Michael the Archangel Parish sa Bonifacio Global City, Taguig. Base sa mga litrato at video na nakita namin sa social media, […]
ABANGERS na ang mga fans ng award-winning Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa susunod na project niya sa ABS-CBN. Yes! Nananatili pa ring loyal Kapamilya si Paulo matapos itong ibandera sa madlang pipol ng Star Magic kamakailan. Tiyak na muling mapupukaw ni Paulo ang damdamin ng maraming manonood dahil nakatakda siyang bumida sa isang […]