June 2025 | Page 33 of 58 | Bandera

June, 2025

DFA nakatutok sa mga Pinoy sa Iran matapos ang Israel military strike

MAY higit 1,000 Filipino sa Iran at ang kanilang kapakanan ang labis na iniintindi ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang pag-atake ng Israel. Sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega inaabangan nila ang anumang abiso na ilalabas ng Israel at Iran sa pamamagitan ng mga embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at […]

Isang pasahero milagrong nakaligtas sa naganap na Air India plane crash

MILAGRONG maituturing ang pagkaligtas ng isang pasahero mula sa naganap na Air India plane crash nitong Huwebes, June 12, 2025 sa Ahmedabad, India. Nakatakdang lumipad patungong London ang Air India flight 171 sakay ang 242 na mga pasahero pati na rin ang mga crew. Kaya naman milagro talagang masasabi ang nangyaring pagkakaligtas ng 40-year-old British […]

Heart Evangelista nakahanap ng ‘true friends’ sa PBB housemates

HINDI napigilang maging emosyonal ng global fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pag-alis sa “Pinoy Big Brother” house. Sa ipinalabas na episode nitong Huwebes, June 12, tuluyan nang namaalam ang aktres-fashion icon sa mga celebrity housemates matapos siyang pumasok sa Bahay ni Kuya bilang houseguest. Lahad ni Heart, naging masaya ang kanyang pananatili […]

Rodrigo Duterte humirit sa ICC na payagan makalabas ng kulungan

NAGHAIN ng mosyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Nagbigay ng tatlong dahilan si Duterte sa kanyang 16-pahinang mosyon sa ICC Pre-Trial Chamber, na may petsang Hunyo 12. Aniya hindi na siya maituturing na “flight risk,” hindi din banta sa mga testigo at hindi din panganib […]

Bongbong Marcos nakiramay sa Air India crash

NAGPAHATID ng mensahe ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga naulila ng mga nasawing pasahero ng bumagsak na Air India flight AI-171 kahapon. Ayon kay Marcos Jr., labis siyang nalungkot sa nangyaring trahedya at aniya ang sambayanang Filipino ay nakikiramay kay Prime Minister Narendra Modi at sa gobyerno ng India. “Our thoughts […]

Gerald umaming nagkulang kay Julia: Kailangan ko nang bumawi!

MUKHANG nagkatampuhan nga ang celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Ito ay base na rin sa pag-amin ng aktor sa kanyang panayam sa vlog ni Hayb Anzures ng Pareng Hayb Studios na ibunandera kagabi, June 12, sa YouTube channel. Matatandaang ilang buwan nang nabalitang hiwalay na ang JuRald pero matindi itong pinabulaanan […]

‘Lilim’ ni Heaven Peralejo pasok sa 2025 New York Asian Film Festival

KUMAKAWAY na papuntang Big Apple si Heaven Peralejo matapos mapili ang kanyang horror film na “Lilim” bilang isa sa mga opisyal na kalahok sa prestihiyosong New York Asian Film Festival (NYAFF) 2025! Masayang ibinahagi ng aktres ang balita sa kanyang Instagram Story nitong Huwebes, June 12, kung saan ibinandera niya ang art card ng pelikula […]

Kathryn, Mayor Mark namataan muling magkasama sa BGC, sey ni Ogie

MULI na namang nakitang magkasama sina Lucena Mayor Mark Alcala at ang aktres na si Kathryn Bernardo sa Bonifacio Global City (BGC). Ang dalawa ay spotted noong June 6 sa ganap na alas-3 nang madaling araw, ayon sa report ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog, kasama sina Mama Loi […]

Gary Valenciano biktima na rin ng AI, nagbabala sa madlang pipol

PINABULAANAN ng tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano ang mga lumalabas na advertisement gamit ang kanyang identity. Sa kanyang Instagram post ay nilinaw ng singer na hindi totoo na siya ang nasa video at nagbibigay ng testimony tungkol sa ibinibentang produkto. “It’s as fake as fake can be. Be careful friends!!!! Thank you […]

TAPE bigong makipag-areglo sa GMA kaugnay sa kasong estafa

HINDI tinanggap ng GMA Network ang settlement offer ng TAPE Inc. kaugnay ng kasong estafa na isinampa ng network laban sa kumpanya. Dahil dito, muling ire-raffle ang kaso sa panibagong piskal para sa preliminary investigation. Ayon sa ulat ng “24 Oras” kamakailan, hindi sapat ang alok ng TAPE sa naging mediation sessions para mabayaran ang […]

Previous           Next
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending