NAGLABAS ang Department of Agriculture (DA) ng isang bagong memorandum circular kung saan pinapayagan ang pagpasok ng mga manok sa Luzon mula sa Visayas at Mindanao sa harap ng outbreak ng bird flu sa San Luis, Pampanga. Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na bawal naman ang paglabas ng mga produktong manok mula sa Luzon […]
NAGING emosyonal si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres “Andy” Bautista sa harap ng mga empleyado ng poll body matapos namang akusahan ng kanyang misis ng pagkakaroon ng P1 bilyong tagong yaman. “Hindi naman mahirap ibigay yang posisyon o bumaba sa posisyon. Ang problema ko ay ang mawala ang Comelec family sa aking buhay,” sabi […]
ITINALAGA ni Pangulong Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema. Pinirmahan ni Duterte ang appointment ni Gesmundo ngayong araw. Pinalitan ni Gesmundo ang nagretirong si retired associate justice Jose Mendoza, nagretiro noong Agosto 13. Si Gesmundo ang ika-apat na associate justice na itinalaga ni Duterte sa Korte Suprema. […]
SUMAKABILANG-buhay na si Ryan Leonardo Santiago, anak ng singer/actor na si Randy Santiago. Si Ryan ay namatay nitong Linggo, siya ay 24-anyos. Iniwan ni Ryan ang kanyang ama at ina na si Marilou Coronel, at dalawang kapatid na sina Raphael at Raiko. Sa mensaheng ibinahagi sa Facebook ng kapatid ni Randy na si Reily, sinabi […]
Kinuwestyon ng mga kongresista ang pagtapyas ng Department of Health (DOH) sa budget ng 49 pampublikong ospital sa susunod na taon. Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na ang pagbawas ng budget ay taliwas sa direktiba ni Pangulong Duterte na alagaan ang mga mahihirap. Ayon kay Zarate binawasan […]
Nasawi ang isang babae habang malubhang nasugatan ang dalawa pang tao nang sumalpok ang sinakyan nilang jeepney sa poste ng kuryente sa Daraga, Alba kaninang umaga. Dinala pa sa ospital si Sheena Aycocho, 30, pero di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Albay provincial police. Nilulunasan pa ang 74-anyos na jeepney driver na […]
MASUSING binabantayan ng Department of Health ang bird flu virus sa pangamba na mag-mutate ito at baka makahawa na sa tao. Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ni Health Asec. Eric Tayag na mayroong mga kaso na nahawa ng sakit ang tao bagamat konti lamang ito. “Kaya binabantayan po namin yan kasi maaring yan po […]
TATAWID na sa P200 million mark ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola nito sa Martes. Inaasahan naman na aabot sa P156 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na kasunuran nitong bobolahin. Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P197.7 milyong jackpot prize ng […]
UMANI na naman ng papuri mula sa mga viewers at netizens ang pagganap ni Gawad Urian Best Supporting Actor Christian Bables sa kauna-unahang pagkakataon sa Maalaala Mo Kaya last Saturday. Ginampanan ni Christian ang role bilang si Ben, isang macho dancer na hindi tanggap ang kabuuan ng kanyang pagkatao. Namulat si Ben sa isang buhay […]