SA wakas ay binigyan na rin ng love interest si Pepe Herrera alyas Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano sa katauhan ni Meg Imperial na bagong pasok sa serye ni Coco Martin. Estudyante ang papel ni Meg at para matustusan ang pag-aaral ay nag-apply siya sa isang restaurant kung saan niya nakabungguan si Benny. Aliw ang unang […]
HALA, mukha ngang si Jessy Mendiola ang pinatutungkulan ng mga latest video uploads ni JM de Guzman singing “hugot” songs. Nauna na riyan ang “When I Was Your Man” na nag-viral last weekend na paniwala ng marami ay parang pagsisisi ng aktor sa break-up nila ni Jessy. Sinundan pa ito ng kanyang version ng “Akin […]
MAS naging strong ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza makalipas ang halos isang taong pagiging magka-loveteam. Ngayong July, magse-celebrate na sila ng kanilang first anniversary at isa nga sa mga regalo nila sa AlDub Nation ay ang first solo movie nilang “Imagine You And Me” showing na sa July 13. At sa nakaraang […]
Hindi napigilang ilabas nang ilang fans ng Oklahoma City Thunder ang pagkadismaya at galit matapos ang ginawang desisyon ni Kevin Durant na maging bahagi ng Golden State Warriors sa susunod na NBA season. Isang video ng nagngangalang Big Rich, may-ari ng isa sa mga sikat na bar sa Oklahoma City ang nagpakita ng pagpunta pa nito sa […]
Umaasa si incoming Speaker Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte na maisasabay na sa Barangay elections ang paghalal sa mga delegado ng Constitutional Convention na magbabago sa Konstitusyon. Sinabi ni Alvarez na magastos ang ConCon kaya makabubuting isabay na ito sa Barangay polls para makatipid. Kung kakailanganin ay maaari umanong iurong […]
Pito katao, karamiha’y menor de edad, ang nasawi sa magkahiwalay na sunog sa Capiz at Camarines Sur Lunes ng gabi at Martes ng madaling-araw, ayon sa mga awtoridad. Sa unang insidente, nasawi ang magkakapatid na Alvin, 9; Angel, 8; at Ashley Padua, 2, sabi ni Supt. Renato Marcial, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection. Nagsimulang […]
Kasado na ang 2016 PBA All-Star Weekend na gaganapin sa Agosto sa Smart Araneta Coliseum. Nagkapirmahan ang PBA at Uniprom, ang events arm ng Araneta Group ng kontrata nitong Martes sa isang simpleng press conference na idinaos sa Novotel. Maaaring iboto ng mga fans ang kanilang mga paboritong manlalaro na bubuo sa North and South […]
Hindi tinamaan ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Lunes kaya inaasahan na aakyat ito sa P185 milyon sa bola mamayang gabi (Miyerkules). Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office hindi nakuha ang P180.8 milyong jackpot prize sa pinakahuling bola kung saan lumabas ang mga numero 44-14-09-26-48-33. Nanalo naman […]