May libreng sakay bukas ang mga babae sa Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit 2 ngayong araw bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Women’s Day. Ayon sa Philippine Commission on Women mayroong libreng sakay ang mga babae mula 7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi. Mayroon […]
KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na si dating Iglesia ni Cristo (INC) Minister Lowell Menorca II at kanyang pamilya papuntang Ho Chi Minh City, Vietnam ganap na alas-10:45 kagabi. Sinabi ni BI spokesperson Nicky Reyes na pinayagan si Menorca na makaalis ng bansa dahil wala naman ipinalabas na hold departure order (HDO) […]
SINABI ni dating senador Panfilo Lacson na dapat magpaliwanag ang Department of Justice kung bakit pinayagan si dating Makati vice mayor Ernesto Mercado na nagka-casino sa kabila na nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ. Sa isang panayam sa mga mamamahayag sa Royce Hotel and Casino sa Clark, Pampanga, idinagdag ni Lacson na […]
SINABI ng abugado ng dating minister ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca II na nawawala ang kanyang kliyente ant pamilya nito. Sa pagdinig ng Court of Appeals (CA) sinabi ni Atty. Trixie Angeles na hindi na makontak ang kanyang kliyente at kanyang pamilya matapos na huling makausap ganap na alas-8 ng gabi […]
Guilty ang hatol ng Sandiganbayan First Division sa kasong graft laban sa dating gubernador ng Davao del Sur at limang iba pa kaugnay ng maanomalyang pagbili ng limang sasakyan noong 2003. Hinatulang makulong ng hanggang 24 taon si dating Davao del Sur Gov. Benjamin Bautista Jr., provincial accountant Richard Martel, general services officer Allan Putong, […]
TINIYAK ng Palasyo ang kahandaan ng gobyerno sa pagpasok Zika virus sa bansa matapos namang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na isang Amerikano ang ginamot dahil sa nakakamatay na virus na nakuha habang nagbabakasyon sa bansa. Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na si Health Secretary Janette Garin […]
Nangunguna pa rin ang presidential bet ng Partido Galing at Puso na si Sen. Grace Poe sa pinakahuling Laylo Survey bagamat bumaba ang nakuha niyang rating. Nakakuha si Poe ng 26 porsyento sa survey noong Pebrero, bumaba ng tatlong porsyento mula sa 29 porsyento noong Enero. Nagpasalamat naman ni Poe sa patuloy na pagsuporta sa […]
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 2.8 ang Batangas bago magtanghali ngayong araw. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:22 ng umaga. Ang sentro nito ay natunton 13 kilometro sa kanluran ng Tingloy. May lalim itong 20 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Nagresulta […]