Tropang Bandera Archives - Page 2 of 60 - Bandera

MM mayors palpak pa rin sa pagsususpinde ng klase

KAHAPON ay muling binaha ang Metro Manila dahil sa walang tigil na malalakas na pag-ulan, sa kabila naman nito tanging Maynila at Valenzuela lamang ang nagsuspinde ng klase sa umaga. Alam ng mga mayor na normal na may pasok ng Sabado para sa mga kolehiyo at maging sa mga senior high school. Walang tigil ang […]

GMA tatakbo sa 2019?

MATAPOS ang agaw-eksenang tagpo sa Kamara de Representantes noong araw ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Duterte, marami ang nagtatanong kung ano ang magiging epekto nito sa pagpili ng mga magiging kandidato sa pagkasenador ng administrasyon. Konting refresh. Naalis bilang speaker si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at si Pampanga Rep. […]

Tatlong “maldita” ang sumabunot kay Bebot

NAGING mabilis ang mga pangyayari para kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez matapos namang i-kudeta sa Kamara sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong Hulyo 23, 2018 na kung saan tatlong babae ang nanguna rito. Pinangunahan ang pagpapatalsik kay Alvarez ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker […]

Alvarez tsutsugiin sa PDP-Laban?

SINO ba itong lalaki na nagpakilalang staff ng congressman na taga-Cagayan na hindi yata matanggap na hindi siya pinagbigyang sumingit ng isang matandang taxicab driver? Sa kanyang asta ay parang tinalo pa niya ang kongresista kahit hindi naman otso ang kanyang plaka. Pagpasok sa loob ng gate ng Kamara de Representantes noong Lunes ay huminto […]

Govt exec guilty sa nepotism; sweldo ng kapatid aabot sa P48K

DA who ang isang government executive na bukod sa dapat kasuhan ng nepotism ay sobra-sobra pa ang pinapasweldo sa kapatid kung saan aabot sa P48,000 ang monthly salary ng kapamilya sa kabila na rank-and-file lamang ang katumbas ng posisyon nito? Usap-usapan ang opisyal na bukod sa tila manhid na kahit pa siya lagi ang pinag-uusapan […]

Digong nasapawan ni GMA

IBANG klase talaga si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ngayon ay nasa ikatlong termino bilang kongresista ng Pampanga. Laging may twist ang kanyang istorya, gaya na lamang ng naganap na #Speakerserye. Hindi ko alam, baka tadhana niya ito. Una, siya ang unang babaeng vice president ng bansa. At habang siya ang VP, umusbong ang […]

PCOO execs na sangkot sa katiwalian dapat sibakin

NITONG nakaraang Biyernes, naglabas ang Commission on Audit (COA) ng rekomendasyon nito kung saan pinakakasuhan nito ang mga opisyal ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) na sangkot sa iregularidad sa paggastos ng pondo para sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) summit. Kabilang sa ipinunto ng COA ay ang pagbili ng PCOO ng mahal […]

Paghina ng tubig wag isisi sa ManilaWater

MAY napansin ba kayo sa huling survey ng PulseAsia para sa senatorial elections? Puro babae ang top four sa pagkasenador. Una si Sen. Grace Poe, sumunod si dating senador na ngayon ay Taguig City Rep. Pia Cayetano, tapos si Sen. Cynthia Villar at pang-apat si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Si Sen. […]

Lady exec mahilig sa 5-star hotel

DA who ang isang opisyal ng isang departamento na choosy pa kapag nag-a-out-of-town dahil puro five-star hotel ang pinipili niyang tuluyan na ang ibinabayad ay mula sa buwis ng bawat mamamayan? Hindi naman Secretary ang posisyon ng lady executive pero gustong magpasosyal. Nagmula sa wala ang opisyal kayat ngayong nakaupo na, matapos namang maitalaga sa […]

Manila Water walang paki sa mga taga-San Mateo

NAGTATAKA ang ilang residente ng San Mateo, Rizal. Bakit daw ang hina ng tulo ng tubig sa gripo? Ang San Mateo ay siniserbisyuhan ng Manila Water. Mayroong ginagawa ang contractor ng Manila Water sa Gen. Luna st., na minsan ay nagiging sanhi ng pagsikip ng daloy ng trapiko kapag malalim na ang gabi hanggang sa […]

Panghuhuli ng MAPSA ng sasakyan nagiging selective

NOONG nakaraang Huwebes, nanghuli ang Makati Public Safety Department (MPSA) sa kahabaan ng Mola Street at Pasong Tirad Street kung saan nilagyan ng wheel clamp ang mga sasakyang naka-parking sa tabi ng kalsada. Bagamat maraming sasakyan ang nabiktima ng paglalagay ng wheel clamp, kapansin-pansin na ang tanging pinaglalagyan ng wheel boot ay ang mga sasakyan […]

Previous           Next
What's trending