Leifbilly Begas Archives - Page 2 of 273 - Bandera

Piso lalo pang bumagsak kontra dolyar

MAS lalo pang bumagsak ang halaga ng piso kontra dolyar. Kanina ay naitala sa P54.13 ang halaga ng isang dolyar sa bansa–ang pinakamababang halaga nito sa nakaraang 13 taon. Noong Disyembre 2, 2005 ay naitala ang halaga ng piso sa P54.155. Ang pagbaba ng halaga ng piso ay nangangahulugan ng mas mahal na pagbili ng […]

Bagyong Ompong nasa PAR na, malapit na sa super typhoon category

PUMASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Ompong na malapit ng maging super typhoon. Bandang alas-3 ng hapon ng pumasok ang bagyo na may international name na Mangkhut ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration. Ngayong araw ay umaabot na sa 205 kilometro bawat oras ang bilis ng hanging dala […]

Away sa minority leadership dinala sa SC

  KUMPIYANSA ang kampo ni House Minority Leader Danilo Suarez na walang saysay ang paghingi ng saklolo ng grupo ni dating Speaker Pantaleon Alvarez at ex-Majority Leader Rodolfo Farinas sa Korte Suprema upang makuha ng minorya. Sa press briefing kahapon sinabi ni Suarez na sanay na siya na nakukuwestyon sa Korte Suprema at gaya ng […]

5 huli, P4.5M marijuana samsam sa raid

ARESTADO ang limang kalalakihan, kabilang ang isang menor de edad, sa isinagawang anti-illegal drug operation ng pulisya sa Quezon City kahapon. Kinilala ang mga naaresto na sina Grenie Hierro, 34, Anthony John Timpug, 39, Lassery Ann Rayo, 30, Randbel Clifford Venzon, 20 at isang 16-anyos na lalaki. Nakatanggap ng tip ang pulisya kaugnay ng pagbebenta […]

Jobless nadagdagan– IBON

DUMAMI umano ang mga walang trabaho sa ilalim ng Duterte government, ayon sa IBON Foundation. Ayon sa survey, bumaba ng 295,000 ang bilang ng mga may trabaho sa survey noong Hulyo 2018 (40.67 milyon) kumpara sa 40.95 milyon noong Hulyo 2016, ang simula ng Duterte government. “This is largely due to a huge 1.8 million […]

Bagyong Neneng at bagyong Mangkhut binabantayan

TINATAYANG nasa Cagayan-Batanes area sa Sabado ang typhoon Mangkhut na posible umanong maging isang super-typhoon. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Miyerkules inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo. “PAGASA warned that Mangkhut could intensify into a super-typhoon, with winds in excess of 205 kph, before exiting the PAR […]

P2.9B rice subsidy sa sundalo, pulis

MAY inilaang P2.9 bilyong rice subsidy sa susunod na taon para sa sundalo, pulis at iba pang unipormadong tauhan ng gobyerno. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kasama ang pondo sa P3.757 trilyong budget na hinihingi ng Malacanang para sa 2019. “It covers financial assistance equivalent to 20 kilos of rice per month, […]

Tax amnesty bill aprub na

INAPRUBAHAN ng House committee on ways and means ang tax amnesty bill. Ayon kay House committee on ways and means chairman Dax Cua layunin ng panukala na himukin ang mga kompanya na may pagkakautang sa buwis na magbayad. Sa ilalim ng panukala, ang mga taxpayer na nais ng amnesty ay magbabayad ng walong porsyento ng […]

OFW na may HIV tumaas

TUMAAS ang bilang ng mga overseas Filipino worker na positibo sa HIV-AIDS. Ayon sa datos na nakuha ni ACTS-OFW Rep. John Bertiz III, may 451 bagong kaso ng HIV mula sa hanay ng mga OFW mula Enero hanggang Hunyo. Mas mataas ito ng 14.4 porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2017. “All told, OFWs with […]

MRT nagkaaberya; 750 pasahero pinababa

NAGKAABERYA ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) kung saan pinababa ang may 750 pasahero nang masira ang sinasakyan nilang tren Huwebes ng gabi. Sa isang advisory ng Department of Transportation-MRT3, sinabi nito na nagkaroon ng electrical failure sa makina ang tren alas-9:45 ng gabi. Pinababa ang mga pasahero sa northbound station ng Buendia. […]

2 LPA patuloy na magpapaulan sa bansa- Pagasa

SINABI ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na walang magiging direktang epekto sa bansa ang namumuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Idinagdag ng Pagasa na inaasahang lalabas bukas ng PAR ang low pressure area sa Basco, Batanes. Itinuturing na itong bagyo ng Japan Meteorological Center. Magkaiba ang pamantayang […]

Previous           Next
What's trending