TATLONG linggo bago ang araw ng eleksiyon ay pinanghihinaan na ng loob ang isang senatorial candidate lalo’t palayo imbes na palapit ang kanyang pangalan sa magic 12. Dala ng labis na stress at depression kaya balik sa lumang bisyo ang bida sa ating kwento. Halos tatlong araw noong nakalipas na linggo nagbabad sa casino si […]
GARAPALAN at lantaran na ngayon ang bilihan ng boto sa isang lugar sa Central Luzon. Kung dati ay simplehan lang at patago ang pagbili ng boto, ngayon ay tila open arms ang pagtanggap ng isang mag-asawang bilyonaryo sa mga kababayan nila na willing magbenta at magpabayad kapalit ng pangalan sa balota. Kung dati ay sarado […]
NAGPAPATUPAD ng news blackout ang kampo ng isang kandidato tungkol sa naganap na pagwawala ng misis ng isang kilalang pulitiko sa isang sortie sa isang bayan sa Visayas. Naganap ang sinasabing mala-teleseryeng eksena nang mahuli ni misis ang kanyang kandidatong mister na sinusubuan ng pagkain ng kanyang maganda at mestisang staff na inirekomenda naman ng […]
MAY itinatagong sikreto ang isang kandidato sa national position para hindi siya kabahan sa gitna ng mga political debates. Sa isang forum kung saan ay nakaharap niya ang mga katunggali sa pulitika, hindi nagpahuli ang ating bida sa pakikipagsabayan sa debate. Hanggang sa asaran ay bumangka nang husto ang pulitikong laman ng ating kwento. Hindi […]
MALINAW na nasa panic mode na ang mga kaalyado ni Pangulong Aquino kaya lahat ay kanilang gagawin para lang maitaas ang ratings ng kanilang pambato sa eleksiyon sa Mayo. Noong ikalawang presidential debate ay naging isyu ang selective justice na umiiral sa ilalim ng Aquino administration. Ang mga bigwigs sa Liberal Party na sangkot sa […]
TAPOS na ang Pasko pero tuloy pa rin ang bigayan ng biyaya sa bahay ng isang mayoral candidate sa Bulacan. Bukas ang bahay ng nasabing kandidato mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, Martes hanggang Biyernes. Sarado kapag Lunes dahil naniniwala siya sa feng shui na hindi dapat naglalabas ng pera sa tuwing unang […]
LAGING mainit ang ulo ng isang kandidato sa pagka-mayor sa isang lungsod dito sa Metro Manila dahil iniwan na siya ng kanyang mga dating tagasuporta. Bukod sa nawalan siya ng mga volunteers ay tumawid na rin ng bakod ang ilan sa kanyang mga dating financial contributors. Crucial ang mga panahong ito dahil ilang araw na […]
HINDI napigilan ng kilalang chick boy na politiko ang pagiging pabling. Sinabi ng ating Cricket na kahit sa gitna ng political sortie ay naisisingit pa rin niya ang oras para sa kanyang pagiging palikero o sa paghahanap ng mga chicks. Sa kanilang ginawang pangangampanya sa Bicol region kamakailan, biglang tinawagan ni Mr. Politician ang kanyang […]
KAHIT na anong bait at haba ng pasensya ng isang tao, darating din ang puntong masasagad ito. Ganito ang nararamdaman ngayon ng isang Cabinet Secretary makaraan niyang malaman na pinagkakitaan ng ilan ang magandang proyekto sa ilalim ng kanyang kagawaran. Isang mambabatas at isang miyembro rin ng Gabinete ang sinasabing nasa likod ng pagkamal ng […]
KAMAKAILAN ay inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police ang kilalang tulak ng droga na si “Oklab”. Pero ilang oras pa lang siyang nananatili sa loob ng presinto ay kaagad na sumugod ang bise alkalde kasama ang ilang mga municipal councilors at pilit na inaarbor ang arestadong drug pusher. Natural na hindi pumayag ang […]
TINAWAG na cronies ng isang dating mambabatas na dati ring kaalyado ng administrasyon ang dalawang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Aquino. Sinabi ng dating mambabatas na dapat silipin ng susunod na administrasyon ang mga itinatagong yaman ng dalawang malapit na kaibigan ng pangulo. Si Sec. B umano ay may mga eroplano pero hindi naman ito […]