‘My Faithful Husband’ para sa mga taksil na misis | Bandera

‘My Faithful Husband’ para sa mga taksil na misis

Ervin Santiago - August 15, 2015 - 02:00 AM

dennis trillo

Ibang klase talaga ang da- ting ng tambalang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado! Biruin niyo ba naman, pilot episode pa lang, pero napukaw na nito agad ang puso ng maraming manunuod kaya naman isa ang My Faithful Husband sa mga trending topics noong Lunes.

Kapansin-pansin din ang magandang performances ng dalawang award-winning actors at talagang ramdam na ramdam mo rito ang kilig at saya ng pagbabalik-tambalan ng DenJen sa primetime.

Ayon naman sa dalawang bida ng My Faithful Husband, tiyak na marami ring makaka-relate sa kuwento ng kanilang soap opera, kahit na nga ang misis ang nanloloko sa kanyang mister.

Sa mga napapanood kasi nating teleserye, laging ang lalaki ang sumisira ng pamilya, pero dito sa My Faithful Husband, ang babae naman ang may kasalanan.

In fairness, marami rin namang mga misis ang nagloloko at pumapatol sa ibang lalaki. Pero kung bakit, yan ang iisa-isahin sa mga susunod pang eksena at episode ng My Faithful Husband gabi-gabi sa GMA Telebabad sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending