Ate Guy pumayag maging lover ni Ana Capri

nora aunor

Napakarami kong natatanggap na text messages and private messages sa Facebook asking kung kailan daw ang showing ng pelikulang “Pare Mahal Mo raw Ako” ni direk Joven Tan, starring the super-husay na si Edgar Allan Guzman and our baby Michael Pangilinan.

Well, malapit na, huwag kayong mainip. Malapit niyo nang makita ang katawan ni Michael sa shower! Ha-hahaha! Pero hindi bold film ito, ha. Maganda ang execution sa eksenang iyon.

Ang gusto kong mabatid ninyo ay ang napakagandang kabuuan ng pelikula. Magaling silang lahat. Gosh! Sino ba ang kukuwesti- yon sa husay nina Ms. Nora Aunor and Ms. Ana Capri who played lesbian lovers in the movie?

Abangan din ang suggestive sex scene nina Gandang Lalaki grand winner Nikko Seagl with a transgender sa beach. At siyempre ang akting ni Michael dito na talagang binantayan ni direk Joven.

Hindi siya nagpatalo sa sobrang husay ng gay friend niya sa film na si Edgar Allan.  Isa itong indie film na pasok sa mainstream category. Walang echos ito.

Kayo na ang humusga pag napanood niyo na. Magdala ng panyo ha, para may pamunas – sa pag-iyak! Kayo talaga, mga malisyoso!

Read more...