May ka-LDR na pero gustong magpaligaw sa iba

DEAR Manang Pher,

Ako po si Jonamay ng Tagum City. Ako po ay 22 years old. Gusto ko lang po na humingi ng payo tungkol sa lovelife ko.

May boyfriend po ako. Seven years na po kami, nasa Malaysia siya ngayon. Five years na rin siya doon, long distance relationship po kami. Bihira din lang siya tumawag kaya nawalan na ako ng gana sa relasyon namin at ngayon ay may nanliligaw sa akin. Sasagutin ko na lang kaya ito? o ipagpatuloy ko na lang ang pag hintay sa BF ko na nasa Malaysia?
Hi Jonamay ng Tagum!

Hindi kita masisisi kung nawalan ka na ng gana sa iyong relasyon dahil mahirap naman talaga ang LDR o long distrance relationship.

Relationships are usually tested with time and distance. Nakausap mo na ba ang nobyo mo tungkol sa issue na’to?

I think he deserves to know before you make a decision. Be sincere and tell him how you feel. Communicate. Baka may mai-offer s’yang solusyon. Try mo rin. After all, seven years is seven years.

Kung wala na talaga and you decide that your relationship is going no where meaning walang linaw kung anong plano, then bago ka sana mag-entertain ng iba ay makipag-break ka muna ng maayos sa iyong nobyo so you can start with a clean slate para walang bad karma. Wishing you the best, Jonamay!
Payo ng tropa:

Hello Jonamay,

Unang-una pag-isipan mo munang mabuti bago ka gumawa ng desisyon. Alam ko na minahal mo ang BF mo dahil tumagal din ang LDR nyo.

Remember yung long distance relationship niyo ay tested na. Being away from each other has also strengthened your relationship, but the experience strengthened you more.

Be realistic about your feelings for him kung talaga bang wala ng love or sobrang miss mo lang talaga siya, may mga paraan naman na puwede kayong makapag usap araw-araw via facebook, skype, etc… kung gugustuhin ninyong dalawa.

Ngayon kung handa ka ng makipag-break sa BF mo, gawin mo agad. Hindi na magwo-work ang relasyon na walang love, loyalty at trust.
Ate Jenny

Isa lang ang sagot diyan, kung hindi mo na siya mahal bakit mo pahihirapan ang sarili mo? At isa pa unfair din naman sa kanya yun, lalo pa’t kayo pa rin pero nag-iisip ka nang i-entertain ang isang manliligaw.

Ngayon, sino ang nanggagago kanino?
Renante ng Sampaloc, Maynila

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...