Driver ng naaksidenteng bus nag-sorry

bus
Humingi ng tawad sa biktima at pamilya ng mga nasawi ang driver ng bus na sumalpok sa marker sa boundary ng Quezon City at Caloocan City kamakalawa.
Kasong reckless reckless imprudence resulting to multiple homicide and serious physical injuries ang isasampa laban kay George Pacis, driver ng Valisno bus.
“Aksidente po yung nangyari sana patawarin nyo ako, sana maunawaan ng mga pasahero ko, ng mga kamag-anak nila,” ani Pacis.
Itinanggi rin niya na binilisan niya ang pagpapatakbo dahil napikon siya sa pasahero na umaangal sa kanyang kabagalan.
Matagal na umano siyang driver at pamilyar na siya sa daan. Iginiit niya na aksidente ang nangyari.
Apat ang nasawi at 30 iba pa ang nasugatan sa aksidente matapos na bumangga ang minamanehong bus ni Pacis sa Quirino Ave., alas-7:20 ng umaga.
Tigil-operasyon naman ang 62 bus ng Valisno matapos na ipatupad ang 30-day suspension order na ipinalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Itinanggi rin ni Pacis na nagtago siya kundi natakot lamang umano. Siya ay nagtamo rin ng mga sugat matapos maipit sa pagitan ng manibela at upuan.

Read more...