Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapunta sa libing ng kanyang kapatid sa Sabado.
Sa dalawang pahinang desisyon, sinabi ng korte na maaaring dumalo si Arroyo sa libing mula 10 ng umaga hanggang 2 ng hapon sa Heritage Park sa Taguig City.
Pinayagan din siyang makapunta sa burol kahapon mula 4 ng hapon hanggang 8 ng gabi.
Hindi naman pinagbigyan ng korte ang hiling niya na makapunta sa novena sa Agosto 19 para sa ikasiyam na araw mula sa pagkamatay ni Arturo dela Rosa Macapagal.
Si Arroyo ay pinayagang makalabas ng kanyang detention center sa Veterans Memorial Medical Center dalawang oras bago ang itinakdang oras ng korte.
Nakakulong si Arroyo kaugnay ng plunder case na kinakaharap nito bunsod ng iregularidad umano sa paggamit ng P366 milyong intelligence and confidential fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
GMA pinayagang pumunta sa libing ng kapatid
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...