Ang BF na ba ang mapapangasawa?

Sulat mula kay Eva ng Buso, Mati City,  Davao Oriental
Dear Sir Greenfield,

May boyfriend ako sa ngayon at two years na ang relasyon namin. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung ang kasalukuyan ko na bang boyfriend ang aking makakatuluyan, kasi madalas na may nangyayari na sa amin? Kung kami ang magkakatuluyan magiging maligya naman kaya at magiging maunlad kaya ang aming buhay kamag may sarili na kaming pamilya? At kung maisipan na naming magpakasal, ano kaya ang suwerte naming kulay lalo na sa araw ng aming kasal? November 2, 1991 ang birthday ko at July 16, 1990 naman ang boyfriend ko?

Umaasa,
Eva Mati City, Davao Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay maliwanag na tanda na wala na ngang iba, bagkus ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang posibleng iyong mapangasawa at makakasama habang buhay higit lalo kung siya ang una o ang first boyfriend mo.
Cartomancy:

Six of Hearts, Five of Hearts at Jack of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Mayo sa edad mong 24 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pag-aasawang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy…

Read more...