Daniel sa JaDine loveteam: Taga-ABS-CBN tayong lahat, dapat magtulungan!

daniel-padilla3

NAG-REACT na ang Teen King na si Daniel Padilla sa pagsasalpukan ng fans nila ni Kathryn Bernardo at ng supporters nina James Reid at Nadine Lustre.

Umiinit kasi ngayon ang issue sa pagitan ng dalawang Kapamilya loveteam dahil pareho nang umeere ngayon sa Primetime Bida ang Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel at On The Wings Of Love ng JaDine.

Sa interview ng ABS-CBN kay DJ, sinabi nitong wala namang dapat pag-awayan ang mga fans, at wala ring isyu sa kanila ni Kath sa back-to-back na pag-ere ng kanilang mga serye.

“Okay lang sa akin ‘yun. Walang problema sa akin ‘yun. Tayo ay magkaka-network. Dapat tayo ay magtulungan,” ani Daniel na todo ang pagpapasalamat sa viewers dahil laging trending at mataas ang rating ng Pangako Sa ‘Yo.

“Tulong ‘yan sa ating cast and crew and staff, lahat ng bumubuo ng Pangako Sa ‘Yo at sa lahat ng supporters natin,” sey pa ng binata.

Read more...