On the other hand, bilib naman kami kay Marian Rivera sa hindi na lang nito pagpapalaki ng isyu sa mga naglabasang komento at kuwento hinggil sa naging statement ni Heart Evangelista na nakaranas daw ng pamba-bash sa tinawag nitong “very bad fans” ni Marian.
Sign of maturity talaga yun for us kapatid na Ervin dahil kahit may proteksyon at pag-care si Marian sa mga fans niya, never niya itong inudyukan na makipag-away o kalabanin ang sinuman, gaya nga ni Heart.
Nauunawaan din namin si Heart sa naging reaksyon niya dahil kahit naman siguro na nasasaktan na o pinepersonal na ng bashers ay mag-re-react din to express their side.
Imagine, kahit ang gaya ni Teddy Boy Locsin na aktibong social media user ay nagparating din ng mensahe ng suporta at pagtatanggol kay Marian, kaya dapat lang sigurong iengganyo na ni Marian ang mga fans niya na gawing mas positibo at responsable ang paggamit ng social media.
Kung hindi man yun nagagawa ng iba ay wala na tayong magagawa dahil at the end of day, yung kasiyahan at pagtulog ng mahimbing ang batayan ng kasikatan o katalinuhan ng isang tao.