James, Nadine kinampihan ng Netizens; KathNiel ibang level na ang kasikatan

james reid

IMPRESSIVE ang pilot episode ng On The Wings Of Love nina James Reid at Nadine Lustre.

Very light lang ang peg ng drama though this early ay kitang-kita na agad ang magandang chemistry ng JaDine loveteam tulad din sa mga nagawa nilang mga pelikula in the past.

Huwag na sanang gawan ng isyu ang JaDine serye at ang soap nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Pangako sa ‘Yo na nauna nang umere sa Primetime Bida ng ABS-CBN lalo pa’t mas mature nga ito in terms of content and approach.

Medyo nakakalungkot lang kasi yung mga nababasa naming comments na nanggaling pa diumano sa ilang malalapit na kaanak nina Kathryn na umano’y namimintas o nagpapasaring sa serye ng JaDine na may kunek sa isyu raw ng panggagaya at panggagamit.

Naniniwala kami kapatid na Ervin na dapat silang magkatulungan lalo pa’t obvious namang hindi rin consistent sa mataas na ratings ang soap ng KathNiel.

Sa dami na ng na-prove ng tandem nina Daniel at Kathryn, unfair ngang ikumpara pa sila sa nagsisimula pa lang na sina James at Nadine.

The better thing to do marahil ay i-maintain o i-sustain ng mga supporters ng KathNiel ang magandang rating, ang malakas na patronage na lalong pagandahin ang performances ng dalawang sikat na sikat na Kapamilya teen stars dahil sooner or later, doon din papunta sina James at Nadine, or much better pa siguro!

So stay tuned dahil hindi talaga maiiwasan ang kumpetisyon lalo pa’t may mga fans and supporters na ayaw patalbog!

Read more...