Jhong Hilario lagot sa ABS-CBN, nabuking ang pagsuporta sa ‘AlDub’

By Alex Brosas August 13,2015
share this

Jhong Hilario lagot sa ABS-CBN, nabuking ang pagsuporta sa ‘AlDub’

By Alex Brosas August 13,2015
share this

jhong hilario

Jhong Hilario might find himself on the hot seat kapag nakarating sa It’s Showtime staff na parang sinusuportahan niya ang AlDub love team nina Maine Mendoza and Alden Richards.

Nag-post kasi si Jhong ng photo where he was caught doing the now popular AlDub wave. Alam na alam niyang kalaban nila ang Eat Bulaga tapos ganoon pa ang ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Anyway, hindi lang naman daw si Jhong ang tila aliw na aliw sa AlDub wave kundi maging ang staff ng ABS-CBN. Merong kumakalat na photo ngayon sa social media na isang grupo ng workers sa Dos ang nakitang nagwe-wave ala Alden and Yaya Dub sa isang photo which was posted in one Instagram account.

So, marami pala talaga ang naaaliw sa AlDub craze ngayon, pati na ang mga taga-Dos ay parang kuhang-kuha na ang pagkaway ng dalawang pinakasikat sa telebisyon ngayon.

The question is, hindi kaya ma-memo-han si Jhong because of his picture waving like Alden? Siyempre naman, parang pambabastos na rin ‘yun sa Showtime dahil nga isa siya sa regular host ng show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending