ANG dyosa na si Anne Curtis ang bagong lagarista sa showbiz. From her afternoon show sa ABS-CBN na Showtime, dumiretso siya sa shooting ng bago niyang pelikula with Derek Ramsay na “A Secret Affair” at nang gumabi, takbo naman siya sa press launch ng bago niyang product endorsement, ang San Mig Coffee.
Ikaw na ang maging Anne, di ba?
Itinanggi pa nu’ng una ni Anne na may 22 endorsements na siya so far as her co-host sa Showtime Vice Ganda mentioned sa isa sa mga tuksuhan nila.
Pero ang publicist niya na mismo form Viva Artists Group na si Dudes Santiago ang bumulong sa amin na 22 na nga lahat ng ine-endorse ni Anne.
Kaya naman akma sa kanya ang titulo bilang Princess of All Media. “Happy na ako sa pagiging princess. Si ate Kris (Aquino) ‘yung Queen (of All Media),” ngiti ni Anne sa presscon ng San Mig Coffee.
Tinanong si Anne kung anu-anong flavor ng San Mig Coffee ang ibibigay niya sa mga ex-boyfriends niya starting from Chubi del Rosario, Oyo Boy Sotto, Richard Gutierrez, Paolo Araneta at Sam Milby pati na sa current BF niyang si Erwan Heussaff.
“Si Chubi, siguro siya ‘yung choco frappuccino, kasi pa-sweet.
Siya lang ‘yung sweet love bilang teenager.
Kay Oyo, bilang may asawa na po siya, bibigyan ko po siya ng super bilang bold, brave man.
And then, kay Richard, ibibigay ko na lang ng white kasi maputi siya,” sabay tawa ni Anne.
Pagpapatuloy ni Anne, “Kay Sam, ibibigay ko ‘yung brown.
Kasi, there’s the sweetness of the sugar and the bitterness of the coffee.
Kay Paolo naman, strong din bilang he’s the oldest among my ex-boyfriend and I learned a lot from him.
And kay Erwan, ibibigay ko sa kanya ang lahat!”
Sa kabila ng kaliwa’t kanang raket ni Anne, would you believe na super tipid siya ngayon?
Pinapa-renovate kasi niya ang kanyang condo sa Makati.
Same thing with the first house na naipatayo niya sa Parañaque.
Plano naman niya na makabili ulit ng bagong bahay para sa kanyang ina.