Roxas: Pinoy si Poe

roxas-poe
SINABI ni Interior Secretary Mar Roxas na hindi siya sumusuko kay Sen. Grace Poe na nais niyang maging ka-tandem sa 2016 presidential elections.

Kasabay nito, ipinagtanggol ni Roxas si Poe kaugnay naman ng kuwestiyon sa kanyang citizenship, sa pagsasabing naniniwala siyang Pinoy ang senador.

“Hindi naman tayo pabago-bago. Meron tayong outstanding na imbitasyon kay Sen. Poe. Ito yung kasalakuyang posisyon at pananaw ko at ng pangulo at ng partido,” sabi ni Roxas.

Nauna nang inimbitahan ni Roxas si Poe para makatambal sa 2016.

“Naniniwala ako na Pilipina si Senator Poe. Inimbita ko nga maging running mate. So, kung may problema ang UNA, siguro sila na ang bahala kung anong gagawin nila doon. Meron naman nakatakdang proseso para ma-determina lahat yan,” dagdag ni Roxas.

Read more...