Apat katao ang nasawi at 18 iba pa ang nasugatan ng bumangga ang isang pampasaherong bus sa Quezon City kahapon ng umaga.
Agad namang sinuspendi ng 30-araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 62 bus ng Valisno Express at kukunin ang mga plaka nito upang hindi makabiyahe. Patungo sa San Jose del Monte, Bulacanang bus (TXV 715) ng bumangga ito sa concrete marker sa boundary ng Quezon City at Caloocan City, sa Quirino Highway alas-7:20 ng umaga.
Sugatan ang mga pasahero at ang konduktor na si Ferdinand Gacusa. Tumakas naman ang driver na si George Pacis. Posible umanong mabilis ang takbo ng sasakyan kaya hindi ito nakontrol ng driver sa palikong bahagi ng kalsada. Samantala, sinabi ni LTFRB chairman Winston Ginez na sasailalim sa road worthiness inspection ang mga bus ng Valisno.
Ang mga driver naman ito ay sasailalim sa road safety seminar, drug test at pakukunin ng clearance sa pulisya at National Bureau of Investigation.
4 patay matapos bumangga sa marker ang isang bus sa QC
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...