Heart, Chiz magpapakasal uli sa 2016

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA AT CHIZ ESCUDERO

Tuloy na tuloy na ang renewal ang vows nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa first wedding anniversary nila sa Feb. 15, 2016.

Ayon sa mag-asawa, simpleng seremonyas lang ang magaganap kasama ang kani-kanilang pamilya, kabilang na ang mga magulang ni Heart na hindi nga dumalo noon sa kanilang Balesin wedding.

“Simple lang ho na seremonya ‘yon. Kami-kami lang para may litrato kami na kapi- ling ang kanyang mga magulang,” ani Chiz sa isang interview.

Dagdag pa ng senador, ang simpleng renewal of vows nila ng Kapuso actress ay magsisilbi ring thankgiving celebration para sa magandang relasyon ng kanilang mga pamilya. Sa katunayan, lumalabas sa mga painting ngayon ng kanyang asawa ang kaligayahan nito ngayon.

“It shows in her artistic side perhaps, na maganda ang lugar na kinakalagyan niya. Hindi na madilim mga painting niya, maliwanag yung mga painting niya,” sey pa ni Chiz.

Read more...