GMA, Binay nagkita sa burol ng kapatid ng dating pangulo

binay-gma
NAGKITA sina dating pangulo at ngayong ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Vice President Jejomar Binay sa burol ng kapatid ng ex-president na Arturo Macapagal sa Taguig City.
Ito’y matapos payagan si Arroyo na makapunta sa burol ng kapatid kung saan siya naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center kaugnay ng plunder na kinakaharap.
Sinabi ni dating Candaba Mayor Jerry Pelayo na nag-usap sandali sina Arroyo at Binay matapos ang pagkikita sa burol.

“Finally, we met again. At least I was able to finally see you, it’s been so long,” sabi ni Binay kay Arroyo.

Idinagdag ni Pelayo nagulat si Binay sa kondisyon ni Arroyo na mahina at payat-na-payat.

“The president lost so much weight,” ayon uman kay Binay.

Read more...