Ai Ai nasilipan sa Sunday PinaSaya; Marian kulang sa timing

aiai delas alas

“Parang cheap siya na Banana Split.”

That was our friend, Ernie’s reaction when we asked him kung maganda ba ang bagong Sunday noontime show ng GMA 7 starring Marian Something and Ai Ai Something and a host of other celebs.

We didn’t get to watch the show as we were still asleep kaya during our mall get-together ay tinanong ko ang friend ko kung maganda nga ang show.

In fairness, ayon sa kanya, ay nakakatawa naman ang mga jokes kaya lang ay parang mga da who ang ilang cast members. Hindi niya ma-identify kung sinu-sino ang ilan sa mga kasama sa show.

We decided to watch the show sa internet and the opening number was kalat pa dahil halos nagkakapaan pa sa spiels. Hindi masyadong nakakatawa ang comedy skit ni Ai Ai.

There’s so much to be desired pa. At one point, nag-hello pa ang white undie niya kaya naman kumuha siya ng pillow to cover it.

‘Yung comedy skit din ni Alden Richards bilang chef ay hindi rin naman nakakatawa. Parang hindi pinag-isipan. Bumawi naman siya sa dance number niya but he wasn’t as sexy as Enrique Gil.

Konting practice pa siguro. Wala siyang grace sumayaw at hindi hataw kung gumalaw. Umapir si Maricel Soriano sa show bilang pantapat siguro kay Sharon Cuneta sa ASAP.

Guest din sina Jessica Sanchez and the palaos na ring singer na si Christian Bautista. And what about Marian? Well, until now ay hindi pa rin siya marunong mag-host.

She’s all SHIRLLS. Kulang siya sa timing at palaging naghihintay ng cue. That said, we felt na mangangamote sa ratings itong Sunday noontime show ng Siyete.

While it’s not garbage naman, everything seems MEDIOCRE.

Read more...