Ogie: Maligaya ako na magkasama na kami ngayon ni Janno sa TV5!

ogie alcasid

DALAWANG buwan matapos ipakilala sa publiko, patuloy pa rin ang happiness-on-wheels ng TV5, ang Happy Truck Ng Bayan, sa paghahatid ng saya’t ligaya sa milyong-milyong Pilipino saan man sa bansa.

Mula sa una nitong episode sa Tondo hanggang sa pinakahuling episode nitong nakaraang linggo sa Pampanga, pinatunayan ng HTNB na ang presensya nila sa mga barangay ang pinakatotoo at epektibong paraan ng pagbibigay inspirasyon at pagpapasaya sa mga manonood.

Ayon kay TV5 Chief Entertainment Content Officer Wilma Galvante, dinisenyo ang programa na may pagsasa-alang-alang sa mga manonood.

Sa halip na ang mga manonood ang papupuntahin sa mga studio, naisip ni Wilma na dalhin mismo ang saya’t ligaya sa mga barangay.

“Kailangan kasi patuluyin kami ng mga manonood sa kanilang mga tahanan at maging parte kami ng kanilang pang-araw-araw na buhay.

Siyempre, para mangyari yon, kailangan literal na kumatok kami sa mga pintuan nila,” lahad ng TV5 executive. Dito nabuo ang pinakamalaking proyekto ng TV5.

Pinagsama-sama ng Happy Truck Ng Bayan ang pinakamalalaking Kapatid stars para siguraduhing maihahatid ng programa ang lingguhang saya’t ligaya sa mga barangay.

Pinangunahan ng Kapatid singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang powerhouse ensemble of stars na bumubuo sa programa.

Maging si Ogie ay nakatikim ng hatid saya’t ligaya ng HTNB sa kanilang reunion ng kanyang long-time friend at partner-in-crime na si Janno Gibbs sa programa.

“Talagang masayang makatrabaho si Janno. It feels good to collaborate with a good friend like him. Complementary kami sa isa’t isa e.

Bukod sa mga games, may mga music segments itong programa kaya talagang makakaroon kami ng song numbers ni Janno. Masaya akong kasama ko na siya dito sa TV5,” lahad ni Ogie.

Ayon naman kay Janno, ang makasama uli sa isang programa si Ogie ay isang dream come true para sa kanya dahil napakatagal na ring panahon nang huli silang magkasama sa work.

Kasama sina Derek Ramsay, Gelli de Belen, Mariel Rodriguez-Padilla, Jasmine Curtis Smith, Empoy, Tuesday Vargas, Kim Idol, Eula Caballero, Martin Escudero, Alwyn Uytingco, Ritz Azul, Valeen Montenegro, Toni Aquino, Tom Taus, at ang mga Kapatid kilig stars na sina Mark Neumann, Shaira Mae, Akihiro Blanco, Chanel Morales, Sophie Albert at Vin Abrenica sa mga “HappyPeeps” na bumubuo sa programa.

Habang mas dumadami ang mga barangay na napapasaya ng HTNB, mas lalo ring dumadami ang nakikisayang mga artista sa biyaheng happiness na hatid nito.

Ilan lamang sa mga featured guest hosts sina Rufa Mae Quinto, Ruffa Gutierrez, Bianca King, Carl Guevarra, Randy Santiago at Bituin Escalante.

Mas lalo pang pinatindi ang laughtrip at kasiyahan dulot ng mga bagong segments na idinagdag sa programa. Kamakailan lang, pinag-usapan ng mga netizens ang mga machong blue-collar workers sa personality search na OCW: Oh! Construction Worker!

Samantala, kinikilala naman ang mga ulirang mamamayan ng barangay sa segment na Barangay Bayani. Pero ang pinakahighlight parin ng programa ay ang jackpot round na Kwarta o Kwartruck kung saan may pagkakataong manalo ang mga manlalaro ng hanggang P300,000 linggo-linggo!

Sa susunod na mga linggo, dadayuhin naman ng Happy Truck Ng Bayan ang mga bayan sa labas ng Maynila. Simula sa pinakahuling episode nito na ginanap sa Pampanga, tuloy ang pag-arangkada ang biyaheng happiness sa iba’t iba pang bahagi ng Pilipinas.

Napapanood pa rin ang HTNB tuwing Linggo, 11:30 a.m. sa TV5.

Read more...