Tao lang si Ai Ai delas Alas na nasasaktan at naaapektuhan ng mga panlalait at pambabastos ng kanyang bashers. Kahit na nahu-hurt siya sa mga pinagsasasabi ng ilang netizens laban sa kanya ay mas pinili na lang ng Comedy Queen na manahimik.
Ayon kay Ms. A, sa mga kanegahang ibinabato sa kanya ng bashers, pinakanasasaktan siya sa akusasyon na gumigimik lang siya para pag-usapan.
“Nasaktan ako doon sa part na ‘yon na nagpapaandar ako, na gusto kong pag-usapan ako,” sey ng Comedy Concert Queen sa Startalk noong Sabado.
“Kasi marami naman akong way para pag-usapan ako. In my 25 years in showbiz, alam nyo naman yung ugali ko at alam nyo naman ang pagkatao ko.
Kailangan ko pa ba ‘yon?” chika ng komedyana. Hindi rin matanggap ni Ai Ai ang sinasabi ng iba na pati si Jiro Manio ay ginamit niya for publicity, bukal daw sa puso niya ang pagtulong sa dating child actor at handa siyang panindigan ang pagiging nanay ng binatang ama.
Samantala, ayon kay Ai Ai nasa loob pa rin ng isang private rehabilitation facility si Jiro at patuloy na ring bumubuti ang kundisyon, “Matagal pa po siya du’n, mga four months pa.
Siguro sa birthday ko (November) nakalabas na siya. Sana and bago mag-Christmas, makalabas na po siya.”