Tambalang James Reid-Nadine Lustre bagong Boyet-Vilma ng showbiz

By Reggee Bonoan August 10,2015
share this

Tambalang James Reid-Nadine Lustre bagong Boyet-Vilma ng showbiz

By Reggee Bonoan August 10,2015
share this

james reid

Mapapanood na ngayong gabi ang On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre kaya naman ang mga kaibigan namin sa Los Angeles, Chicago, Vallejo, USA ay nagtatanong kung kailan magkakaroon ng show doon ang JaDine.

Grabeng kilig much daw sila sa trailer ng OTWOL at talagang aabangan daw nila ito. Panay din ang tanong kung totoong walang relasyon sina James at Nadine dahil parang mayroon daw na ayaw lang nilang aminin.

Sinabi naming hindi talaga magdyowa ang dalawa at maganda lang ang kanilang chemistry kaya marami silang napapakilig na manonood.

Pero malay mo nga baka naman magkadebelopan sila pagdating ng araw? O, talagang hindi nila type ang isa’t isa?

Marami ang nagsasabi na sina James at Nadine ang bagong Boyet de Leon at Vilma Santos sa local showbiz dahil nga tanggap sila ng publiko kahit na wala silang relasyon sa tunay na buhay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending