INUGA ng magnitude 4.3 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nangyari ang pag-uga ganap na alas-12:49 ng hapon at ito ay naitala 25 kilometro ang layo sa hilagang kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro.
Ito ay may lalim na 25 kilometro.
Kabilang sa mga nakaramdam sa lindol na isang tectonic ay ang Tagaytay City, intensity 3: Batangas City, Bauan, Batangas at Puerto Galera, intensity 2.
Wala namang aftershock o pinsalang inaasahan na dulot ng lindol.
MOST READ
LATEST STORIES