Mar hindi iiwan ni Robredo


Hindi umano totoo ang balita na kakalas si Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa Liberal Party at iginiit na ang kanyang susuportahan ay si Mar Roxas.
Sinabi ni Robredo na malaki ang tiwala niya at ng kanyang yumaong mister na si Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo kay Roxas, ang inendorsong kandidato ni Pangulong Aquino.
“Mayor palang ang asawa ko, cabinet secretary na noon si Mar, malapit na ‎sila. Malaki ang tiwala sa kanya ng asawa ko kahit nung (2010) magpi-presidente sana sya,” ani Robredo sa panayam ng Radyo Inquirer.
Nang tanungin kung dapat na kumandidato si Roxas, sinabi ni Robredo “100 percent Oo”.
“Kung siya ba ay deserving, para sa akin Oo. Kung sa akin maaayos ba siyang tao? Oo. Mahusay b‎a? Oo,” dagdag pa ng lady solon. “Nakakalungkot lang kasi ang pagtingin ng iba, ay iba. Pero sa aming mag-asawa ay kilala namin at buo sa aming kalooban, he deserves na maging pangulo.”
Sinabi naman ni Robredo na wala siyang plano na tumakbo sa pagkabise presidente.

Read more...