Isang 51-anyos na tindera ng ukay-ukay ang nanalo ng P9 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 noong Hulyo 27.
Ang tumama niyang numerong 01-02-05-06-10-20 ay bigay umano ng namayapang kamag-anak. Itinuloy lamang umano niya ang pagtaya sa numero.
Bago mamatay, dinalaw umano niya ang tinutukoy na kamag-anak sa ospital matapos itong ma-confine dahil sa kanser. Binilinan umano siya nito na ituloy ang pagtaya sa kanyang numero sa paniwala na susuwertehin ito.
Pumunta na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.
Ang nanalo ay mayroong asawa at dalawang anak. Sila ay nakatira sa Laguna.
Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang itinaya ng manalo.
Tutulungan umano niya ang mga anak ng kanyang namayapang kamag-anak at babalatuhan ang kanyang mga kapatid.
Magtatayo rin siya ng sariling ukay-ukay business.
Numero ng patay nanalo
READ NEXT
PNoy kinawawa na naman ang SAF
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...