Kasal ni Yaya Dub sa Kalye-Serye ng Eat Bulaga top trending topic sa Twitter

By Ervin Santiago August 08,2015
share this

Kasal ni Yaya Dub sa Kalye-Serye ng Eat Bulaga top trending topic sa Twitter

By Ervin Santiago August 08,2015
share this

yaya dub

TULAD ng inaasahan, tinutukan talaga ng mga dabarkads sa buong bansa kanina ang pagpapatuloy ng “Kalye-Serye” ng Eat Bulaga na pinagbibidahan ng phenomenal loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.

Naging number one trending topic agad ang #AlDubWeBelongTogether sa Twitter dahil sa kasal nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Frankie (Jose Manalo).
Pero hindi nga ito natuloy dahil hinimatay ang bride habang ginaganap ang seremonyas. Mabilis namang isinugod sa ospital si Yaya Dub.
Pero mas lalong nagkagulo sa social media nang dumating na si Alden sa simbahan para pigilan ang kasal, ngunit  huli na nga ang binata dahil wala na nga roon si Yaya Dub kaya nagwala ito sa sobrang galit.
Pinagtatapon nito ang mga bulaklak sa simbahan at sinuntok pa si Frankie. Galit na galit din si Lola Nidora dahil nabulilyaso pa ang P51 million na mapapasakamay sana niya kapag natuloy na ang kasal nina Yaya Dub at Frankie.
At dahil nga hindi na naman nagkita sina Alden at Yaya Dub sa patok na patok na Kalye-Serye ng longest-running noontime show sa bansa, asahang tuluy-tuloy pa rin ang kuwento nina Yaya Dub at Alden sa nasabing segment ng Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending