Gusto ng hiwalayan ang ka-live in (2)

Sulat mula kay Susan ng Bugo, Cagayan  de Oro City
Problema:

1. Noong nakilala ko ang ka-live in ko ang pakilala niya sa akin ay binata, kaya nakisama ako sa kanya sa iisang bubong hanggang sa magka-baby kami, pero nito ko lang nalamang may pamilya pala siya sa Maynila. Sa ngayon bihira na siyang umuwi dito sa aming apartment kaya balak ko na siyang hiwalayan.
2. Itatanong ko lang kung sakali kayang hihiwalayan ko na ang ka-live in kong ito makatatagpo pa kaya ako ng pang habang buhay na relasyon kahit na may isang anak na ako sa pagkadalaga? Sana malaman ko ang future ko lalo na sa love life, kung may pag-asa pa ba akong lumigaya habang buhay at magkaroon ng isang pamilya na matatawag kong sarli ko talaga? April 25, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Susan ng Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing kung magsisimula ka ng mag-ayos ng mga papeles sa ngayon para makapag-abroad, tulad ng nasabi na sa Palmistry at Cartomancy, sa susunod na taong 2016 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at sa ibang bansa, isang lalaking Capricorn ang iyong makikilala.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing bukod sa isang Capricorn ang lalaking magpapadama sa iyo ng true love at makakasama mo habang buhay, siya ay nagtataglay din ng birth date na 2, 11,20 o kaya’y 29.
Luscher Color Test:
Kapag nasa abroad ka na, ugaliin ang pagsusuot ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Susan, ayon sa iyong kapalaran wala sa ating bansa ang kapanatagan at hindi mo rin dito makikita ang tapat na lalaking sa iyo ay pang habang buhay na magmamahal, kundi nasa ibang bansa. Nakatakda na nga ang magaganap, sa sandaling nag lakas-loob kang mag-apply sa abroad sa panahong ito, sa susunod na taong 2016 sa edad mong 27 pataas, makapag-aabroad ka at sa ibang bansa, ay matatagpuan mo ang isang lalaking may initial na E.J. na kahit dalagang ina ka, siya na nga ang iyong makakasama habang buhay sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.

Read more...