Para sa may kaarawan ngayon: Wag magmayabang. Kung patuloy kang magpapakumbaba, tuloy-tuloy ding darating ang magandang kapalaran. Sa pinansyal, kusang dadami ang mga pagkakataon na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, matatapos ang gabi sa isang masarap na romansa. Mapalad ang 1, 7, 28, 35, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Om.” Orange at violet ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat maghintay ng kapalit sa mga naitulong sa kapwa. Wag kang tuos ng tuos sa mga kabutihang nagawa. Sa pag-ibig, iwasang sumbatan ang kasuyo upang hindi siya magtampo. Mapalad ang 6, 18, 23, 27, 39 at 42. Mahigiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Black at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag umasa sa pangakong salapi na hindi mo pa hawak! Sa pag-ibig, kung wala na talagang masandalan, ang kasuyong Capricorn parin ang maaasahan! Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 34. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra.” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa bawat pag-subok may magandang kapalaran kasunod. Sa pag-ibig ay ganon din, sa bawat kasawian, may kaligayang naghihintay. Sa pinansyal, kahit na mabilis maubos ang pera wag mag-alala, may mas malaking halagang darating. Mapalad ang 3, 9, 21, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Neh-Om”. Yellow at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Maghahatid ng magandang karanasan ang paparating na buwan ng Setyembre. Dagdag na salapi, karangalan at masarap na romansa ang idudulot nito sa iyong kapalaran. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Blue at silver ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Malaki ang maitutulong ng isang Aries sa kasalukuyang problema. Bakit hindi mo siya lambingin at pagkatapos ay utangan. Hindi ka nya matatangihan! Mapalad 1, 9, 19, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Mag-concentrate sa ginagawa, malapit ka ng yumaman. Wag pansinin ang discouragement na ginagawa ng kasuyong sobrang negatibo. Ituloy mo lang ang iyong mga binabalak, at hindi mo na siya dapat pang kunsultahin. Mapalad ang 1, 7, 10, 29, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nil Desperandum”. White at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kalimutan ang mga pangit na karanasan at kalimutan na rin ang mga pangit na nilalang. Pagandahin ang sarili at ang paligid upang mahigop ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, umiwas sa mga pangit na kaibigan upang gumanda ang love life. Mapalad ang 1, 6, 13, 25, 34, 40. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Huwag tutulog-tulog. Magmadali bago maka-alpas ang suwerte! Sunggaban agad ang inaalok na pagkakakitaan ng isang Taurus. Sa pag-ibig, minsan lang mag-init ang kasuyo, romansahain mo agad upang makaraos. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never!” Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Anumang pagsubok ang dumating hindi dapat sumuko, darating ang panahong uunlad din ang iyong career. Sa pag-ibig, hindi lang siya ang nilalang sa mundo, makakatagpo ka pa ng higit sa kanya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om-Nameh.” White at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ang pagtitipid at pag-iipon ang pinaka-mabisang paraan upang yumaman. Sa pag-ibig, wag patangay sa luho ng minamahal, turuan mo siyang magsinop ng kabuhayan upang mas mabilis kayong umunlad. Mapalad ang 3, 15, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Om.” Lilac at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Upang hindi mabigo, hindi puso ang dapat pairalin kundi isip. Pag-isipan munang mabuti ang susuunging transaksyon upang hindi malugi. Sa pag-ibig, hindi dapat bumigay sa kasuyo, kailangang matututo kang tumanggi. Mapalad ang 7, 18, 27, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Gawing simple ang buhay! Tigilan na ang pagiisip kung paano yayaman. Kusang darating yan! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang lugar na tahimik at malapit sa nature, doon kayo maglambingan. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at silver ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.