Ayan na, mukhang nagiging totoo na raw ang on-camera romance ng dalawang sexy stars (isang very sexy and sultry star and hunk actor) na magkasama sa isang soap, where they play lovers.
After nga daw kasi na makunan ang mga eksena nila during taping ay laging sa iisang sasakyan sumasakay ang dalawa at pupunta sa kung saan man sila magkayayaan gaya ng night malling, dinner somewhere na konti ang tao at magpalipas ng magdamag somewhere din.
Sobrang involved daw ang dalawa sa kanilang mga ginagawa kaya’t may moment daw na sa taping na after kunan ang eksena nilang maiinit ay sabay daw na nawawala ang dalawa, kahit may nakatakda pang kunan na mga eksena na kasama sila.
Diumano, nang bumalik nga ang mga ito ay masayang-masaya na ang aura at refresh na refresh na ang mga hitsura para sa susunod nilang mga eksena.
Kaya alam n’yo na! Ha-hahaha! Hmmm…napaka-passionate nga ng mga bagay-bagay sa dalawang ito na sana ay dala nga ng tunay na emosyon at hindi yung “panandaliang emote” lang di ba kapatid na Ervin at mga Ka-BANDERA?