I received a text message from Mama Elizabeth Ramsey’s niece that our dear mama is now confined at the ICU of the Philippine Heart Center dahil parang na-stroke daw ito or what. Manaka-naka lang daw itong nakakagising at hindi nakakakilala.
Bigla akong nalungkot dahil kausap ko pa siya last week at naglalambing pa siya sa akin over the phone. Kasi nga, every night na nanonood ito ng “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz and pag nagti-text siya ay binabati namin agad ito. We so much love her.
“Noy, baka may show ka isama mo ako ha,” lambing niya sa akin. I readily said yes and balak ko nga ay isama siya sa “Kilabot Meets Kilabot” concert nina Michael Pangilinan and Hajji Alejandro sa Music Museum sa Aug. 29.
Honestly, I have fears in my heart now with Mama Beth’s confinement. Kasi nga, may edad na siya – it’s not really that safe anymore para ma-ICU pa siya. Nagdarasal ako that she will be safe – I leave it all up to God. Mahal na mahal ko po si Mama Elizabeth – isa sa pinakanapabayaan ng industriyang ito dahil alam niyo naman sa mundo natin, pag may edad ka na at wala nang masyadong pakinabang sa industriya ay parang deadma na sa kanila.
Sa totoo lang, we always get her pag may pagkakataon dahil siyempre, may mga pangangailangan din si Mama Beth – the more that she needs help lalo na financially. Nabubuhay lang ito sa pension as a U.S. citizen. Yung ibang mga TV shows naman ay hindi marunong magpahalaga sa istado ng mga katulad niya.
Naiimbitahan once in a while sa kanilang TV shows pero hindi naman nababayaran nang maayos. Hindi tulad sa States na habang tumatanda ka the more kang nagiging mas mahal. Dito iba – ang tingin nila sa iyo basura ka na at walang pakinabang. Samantalang kahit sa edad na ito ni Mama Beth (more than 80 years old na siya) ay mahusay pa rin siya sobrang mag-perform.
Mabuti na lang at nandiyan pa rin ang napakabait niyang anak na si Jaya who supports all her needs pero mismong si Mama Beth na rin ang nahihiya minsan sa anak dahil alam naman niyang hindi na gaanong kalakihan ang kita ni Jaya now unlike before. And Jaya has her own family na rin. But still Jaya insists on helping her kahit ayaw ng mommy niya.
Magpagaling ka, Mama Beth. Marami pa tayong gagawing shows. Gusto ko okey ka palagi kasi mahal na mahal kita mama ko. Labyu. God bless you. Mwah!
MOST READ
LATEST STORIES